in

Mark Herras, kumasa sa ‘My Boyfriend Does My Makeup’ challenge ni Nicole

Aliw na aliw ang fans at netizens sa latest vlog ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa sa kanilang YouTube channel. Mapapanood dito ang pagsabak ni Mark sa “My Boyfriend Does My Makeup.”

Sey ni Nicole, nagmistulang “raccoon” daw ang kaniyang itsura matapos siyang makeup-an ni Mark! Tuwang tuwa naman ang viewers sa cute na bonding moment ng soon-to-be parents. Nakatakdang manganak si Nicole sa darating na January sa kanilang firstborn na si Baby Corky!

May message rin silang dalawa para sa mga nasalanta ng Typhoon Ulysses, “I hope you guys are recovering fast. Sa mga kapwa nating Pilipino, sana’y nakakabangon na po kayo.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Heart Evangelista, isa sa Top 10 Luxury Influencers ng Forbes France

Glaiza de Castro, nagbigay ng tulong sa Baler, Aurora