in

Neil Ryan Sese, tampok bilang ‘catfish’ sa #MPK

Ngayong Sabado (November 21), mapapanood muli si Neil Ryan Sese bilang isang “catfish” sa ‘Magpakailanman’.

Ang “catfishing” ay isang uri ng panlilinlang kung saan gumagawa ng pekeng identity ang isang tao para maloko ang kausap niya online.

Gaganap si Neil bilang si Edgar, isang lalaking magpapanggap bilang ibang tao nang makikila at maka-chat niya online si Rica (Jazz Ocampo), isang high school student.

Sa araw na nagkita sila, laking gulat ni Rica na hindi si Edgar ang inakala niyang matagal na niyang nakakausap. Pero ano nga ba ang balak ni Edgar kay Rica?

Abangan ang episode na “Don’t Chat With Strangers” ngayong Sabado, November 21, 8:15 p.m. sa ‘#MPK.’

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Team Layf, bida sa huling ‘Pilikula’ ngayong taon

Hostage survivor at guro mula Marawi, ibibida ni Judy Ann Santos sa ‘Paano Kita Mapasasalamatan’