in

Bida kid Rain Barquin, ipinasilip kung paano siya naghahanda sa grand finals ng ‘Centerstage’

Dahil nasa bahay lang, may oras para maghanda ang unang Grand Finalist ng ‘Centerstage’  na si Rain Barquin. Sa isang video, ipinasilip niya kung ano ang mga ginagawa niya bilang page-ensayo.

Aniya, “Ang una po ay magvo-vocalization. [Pangalawa] Ngayon po magma-mic po kami pero wala po itong sound. Ginagawa po namin ‘to araw-araw ni Papa para malaman ‘yung mga mali, kung nagfa-flat po o kaya nagsa-sharp. ‘Tsaka maaayos din po ‘yung tamang paglayo ng mic at paglapit po.”

Saad ni Rain, nakaka-10 hanggang 15 kanta ang napa-practice nila sa isang araw, “Kung tutuusin nakakakanta kami ng 10 to 15 songs sa araw-araw na practice namin.”

Itinanghal na unang Grand Finalist si Rain matapos magwagi nang tatlo beses nitong nakaraang buwan.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Barbie Forteza, ikinuwento kung paano sila mag-bonding ni Jak Roberto sa gitna ng ECQ

Tom Rodriguez, tuloy ang pagguhit para sa mga apektado ng health crisis