in

Ruru Madrid at Shaira Diaz, sumabak na sa training para sa action series na ‘Lolong’

Sumailalim na sa training ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid at Shaira Diaz para sa pagbibidahang upcoming action-packed series na Lolong. 

Kahit na online ang kanilang training, marami raw natutunan ang dalawa sa kanilang mga pinagdaanang ensayo. 

“Kahit online training pa lang, marami na kaming natutunan agad and at the same time, medyo ang hirap,” pahayag ni Shaira. 

Dagdag pa ni Ruru, “Ang goal ng aming trainer ‘yung form namin para at least once na nakasalang na kami sa TV or may fight scenes kami, ‘yung form namin ‘yung nangingibabaw.”

Pinaghahandaan din nina Ruru at Shaira ang mga mabibigat nilang eksena sa serye, lalo pa at makakasabayan nila ang ilan sa mga hinahangaang personalidad sa industriya.

“To be honest, nakaka-pressure talaga. Medyo mataas talaga ‘yung expectations ng mga tao, siyempre, magandang casting, ganyan,” ani Ruru.

Sey naman ni Shaira, “Mas kinakabahan ako pero siyempre gaya ng sabi ni Ruru, excited na rin ako na may matututunan sa kanya.” 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Lovi Poe at Benjamin Alves, kapwa nahumaling sa K-drama

Top 12 songs ng Himig 11th Edition, inilabas na ng ABS-CBN