in

Aiko Melendez, may hatid na aral sa viewers ng ‘Prima Donnas’

Napapanood na tuwing hapon ang bagong episodes ng hit GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas.’

Kahit na kontrabida at kinaiinisan ng viewers ang role ni Aiko Melendez sa serye bilang si Kendra Fajardo, nais ng aktres na may matutunang aral ang viewers mula sa kanyang karakter.

Aniya, “One thing na kailangan nila abangan is ‘yung gaano talaga kamahal ni Kendra si Jaime. Kasi si Direk Gina (Alajar), pinakita niya talaga rito ‘yung obsession ni Kendra. Talagang matututunan din ng viewers na ang pangarap ng isang tao dapat may hangganan. Hindi lahat ng pangarap mo dapat mong tuparin kung nakakasakit ka na.”

Dagdag pa niya, “Ang tamang pagmamahal may hangganan din kasi minsan nakakabaliw ang sobrang pagmamahal.” Abangan kung tuluyan na nga bang masisiwalat ni Lilian (Katrina Halili) ang pinakatinatagong lihim ni Kendra sa Prima Donnas, 3:25PM, sa GMA-7. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Harana scene ng ‘DOTS Ph,’ kinakiligan ng netizens!

Chariz Solomon, saludo sa security at maintenance personnel na naka-duty noong bagyo