in

Dingdong Dantes at Neil Ryan Sese, proud delivery boys na rin!

Magka-away man ang mga karakter nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Neil Ryan Sese sa award-winning series na ‘Descendants of the Sun: The Philippine Adaptation,’ magkasundo naman ang dalawa sa tunay na buhay lalo na pagdating sa pagnenegosyo.

“Rivals on TV, but tag team (and proud) delivery boys in real life.”
Iyan ang pahayag ni Dingdong o ‘Big Boss’ sa kanyang Instagram post. Nag-deliver sila ng seafood na ibinebenta ni Neil sa pamamagitan ng delivery app na DingDong PH.

“Happy to have delivered fresh seafood from K&G Seafood with Neil Sese today. Ingat tayong lahat sa kalsada sa paparating na bagyo. #YouRingItWeBringIt,” dagdag pa ng Kapuso actor.

Nitong Setyembre ay opisyal nang umarangkada ang delivery business ni Dingdong kung saan katuwang niya ang grupo ng mga displaced worker ng film at TV industry na nagsisilbing mga delivery rider.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Dining in the new normal’ sa pop na pop na comeback ng Pop Talk!

Carla Abellana, ipinagdasal ang mga hayop na naapektuhan ng bagyo