in

Korean food and culture, tampok ngayong Sabado sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’

Samahan ang Legaspi family at si Kris Bernal sa kanilang pagtuklas sa mundo ng Korean food and culture ngayong Sabado (Nobyembre 14) sa ‘Sarap, ‘Di Ba?’.

Maki-join sa holiday trip nina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy at Zoren Legaspi at balikan ang kanilang memorable trip sa Korea!

Samantala, matuto at ma-inspire kasama si Kris at ang kanyang businessman-chef fiance na si Perry Choi kung paano maaaring pagkakitaan ang inyong passion. Ibabahagi nina Kris at Perry ang istorya sa likod ng kanilang Korean restaurant at mini grocery. Bukod dyan, ituturo rin nina Kris at Perry kung paano gumawa ng kanilang favorite na viral dish, ang baked sushi.

Mag-relax at makisaya ngayong Sabado (Nobyembre 14), 10:00AM, kasama ang Legaspi family at si Kris sa fresh episode ng ‘Sarap, ‘Di Ba?’ sa GMA-7.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mark Herras at Nicole Donesa, ipinasilip sa fans ang sonogram ng baby

KIKX, handog ang ‘After Dark ‘Final Hour’’ ep sa ika-10 taon sa music industry