in

Music video ng kanta ni Bianca Umali, umani ng positive reviews!

Congratulations sa Kapuso star na si Bianca Umali sa kaniyang bagong achievement! Inilabas na ng GMA Music ang kaniyang music video para sa kauna-unahan niyang single na pinamagatang ‘Kahit Kailan.’

Talagang inabangan ito ng kaniyang avid fans at mga taga-hanga dahil noon pa man ay nakikitaan na nila ng galing sa pag-awit ang aktres. Ang kanta ni Bianca ay patungkol sa isang babaeng sawi sa pag-ibig at madamdamin ang lyrics nito.

Dalang-dala naman ang mga netizens nang mapanood ang music video at karamihan sa kanila ay pinuri ang boses ni Bianca.

Sey ng fan na si Owhen Ranger sa YouTube, “Buhayin ang OPM! Ang lamig ng boses ni Bianca. Bagay na bagay sa kaniya ‘yung kanta.”

Dagdag naman ng iba, “This song deserves million views.”

Mukhang magiging promising ang takbo ng music career ni Bianca! Sa mga hindi pa nakanood ng ‘Kahit Kailan’ music video, maaari itong makita sa official channel ng GMA Music sa YouTube.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Mars Pa More’ hosts, nanumpa na maging responsable sa panahon ng COVID-19 outbreak

Kapuso stars, suportado ang Project RICE Up