in

Stand for Truth, isang taon na!

Simula pa lang noong launch nito noong nakaraang taon, kinakitaan na namin ng potential ang online newscast na Stand for Truth. Kaya naman hindi na kami nagtaka na naging matagumpay ang programang ito ng GMA Public Affairs.

Ngayon nga, isa na ito sa mga inaasahan namin pagdating sa breaking news at exclusive reports. Mahusay ang pagkaka-train ng Kapuso Network sa mga batang reporter na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng bansa.

Gamit ang kanilang mobile phones at angking journalistic skills ika nga, nakakapag produce sila ng mga storyang madalas ay ginagamit na ng mainstream newscasts.

Marami rin sa exclusive reports ng Stand for Truth ang naging daan upang maaksyunan ng mga kinauukulan ang ilang isyu ng bansa. 

Pataas nga nang pataas ang bilang ng views ng SFT videos sa Facebook at YouTube, patunay na mas maraming netizens ang tumututok sa nasabing pioneering mobile journalism newscast.

Bukod kay Atom Araullo at Richard Heydarian, binabati namin ang magigiting na SFT reporters na sina Nico Waje, Manal Sugadol, Shai Lagarde, Izzy Lee, Eduard Faraon, Mj Geronimo, Bhea Docyogen, Jm Encinas, at Anthony Esguerra. Congrats din sa mga tao sa likod ng Stand for Truth. Nawa’y mas maging matagumpay pa ito sa mga susunod na taon! 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Marian Rivera at Dingdong Dantes, simpleng selebrasyon ang handog kay baby Ziggy

Heart Evangelista, gumawa ng DIY face mask