in

Kapuso Network, kaabang-abang ang Pamaskong handog!

Damang-dama na ng netizens ang nalalapit na Kapaskuhan sa sunud-sunod na posts ng Kapuso Network na may hashtag na ‘Isang Puso Ngayong Pasko.’

Bumuhos ang excitement at haka-haka mula sa netizens kung sino-sinong artista ang nasa likod ng mga puso na mapapanood sa teaser videos, “Abangers na po and excited much to watch it!”

Mababasa naman sa isang photo caption na “Ipakita ang pagmamahalang totoo ngayong Pasko.”

Sey pa ng isang netizen na hindi maitago ang kanyang tuwa para sa misteryosong teaser photos, “Please, ano ba yan? Wag nyo na akong bitinin. Haha!”

Kaya aabangan talaga nating lahat kung ano ang handog na ‘yan ng Kapuso Network ngayong Kapaskuhan!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Rita Daniela at Ken Chan, may bagong Kapuso serye

Sagip Kapamilya, nag-iikot sa mga probinsya para tulungan ang mga sinalanta ni Rolly