in

Paboritong GMA News TV shows, balik fresh eps na

Simula ngayong Lunes (Nov. 9), mapapanuod na muli ang ilang programa ng GMA News TV with fresh episodes. May aabangan ding new show sa 9:15 pm slot ng nasabing channel.

Sisimulan ito ng pagbabalik ere ng nakaka-good vibes na show na Good News kasama si Vicky Morales tuwing Lunes. Mapapanuod naman every Tuesday with new episodes ang Pinas Sarap kasama ang paborito nating ka-food trip na si Kara David. Patuloy rin si Susan Enriquez sa pagdiscover ng mga bagay upang tayo ay magkaroon ng pagkakitaan ngayong new normal sa Pera Paraan tuwing Miyerkules.

Tuwing Huwebes, tiyak na makaka-relate ang mga youth at youth at heart sa bagong reality program na IRL (In Real Life) kasama ang Global Endorser na si Gabbi Garcia. Ipapakita naman ni Drew Arellano kung paano na nga ba bumiyahe in the new normal sa all-new episodes ng Biyahe ni Drew sa Biyernes.

Nakatutuwang unti-unti nang nagbabalik ang mga regular program sa telebisyon at may bago pang nadadagdag. Kaya naman, makihang-out na kasama ang mga paboritong programa tuwing 9:15 pm, Lunes hanggang Biyernes sa GMA News TV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Iza Calzado at Sam Milby, naghiwalay na, Jodi Sta. Maria lagot sa ‘Ang Sa Yo ay Akin’

Stars ng ‘Legal Wives,’ sumabak na sa look test!