in

Iza Calzado at Sam Milby, naghiwalay na, Jodi Sta. Maria lagot sa ‘Ang Sa Yo ay Akin’

Nabuko na ni Gabriel (Sam Milby) ang lihim ni Ellice (Iza Calzado) na siya ang tunay na nakapatay sa anak ng congressman at tuluyan na niyang hihiwalayan itodahil hindi ito naging tapat sa kanya.

Kasabay nito, nagtapat si Gabriel ng kanyang pagmamahal kay Marissa (Jodi Sta. Maria) at sinabi niyang alam na niya ang sakripisyong ginawa nito para sa kanyang kaibigan.

Napaiyak na lang siLucing(Maricel Soriano), ang nanay ni Marissa, nang marinig niya ang rebelasyon sa pag-uusap ng dalawa.

Ipinakita ni Francis (Joem Bascon) kay Gabriel ang mga larawang nagpapatunay na si Ellice ang tunay na nakapatay kay Victor (Albie Casiño).

Dahil dito, napagdesisyunan ni Gabriel na hindi na niya kaya pang makasama ang asawa. Inayana rin nitosi Marissa na sumama sa kanya sa Amerika.

Ngunit masisira ang kanyang balak dahil malalaman ni Marissa na may gustong pumatay sa kanya at tatakas ito kasama ang anak na si Jacob.

Matapos harapin ang panganib na ito, ano kaya ang bagong buhay na tatahakin ni Marissa?

Sa pagbubukas ng bagong yugto ng serye, papasok na ang mga karakter nina Grae Fernandez, Kira Balinger, Rita Avila, at Joseph Marco. Anu-ano kaya ang kanilang gagampanan
sa buhay ng dating magkaibigan?

Huwag kalimutang sundan ang walang tigil na madramang mga tagpo sa “Ang Sa Iyo Ay Akin” sa A2Z channel sa bagong episodes nito gabi-gabi.

Ang A2Z channel 11 ay mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga. Maaari rin itong mapanood sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa. Patuloy pa rin itong mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8:40 PM sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Ito rin ay nasa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o

iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Elijah Alejo at Vince Crisostomo, sasalang sa ‘Quiz Beh!’

Paboritong GMA News TV shows, balik fresh eps na