in

Kelvin Miranda, nagpakilig sa kanyang performance sa ‘Eat Bulaga!’

Sa nakaraang episode ng ‘Bawal ang Judgmental’ sa noontime show na ‘Eat Bulaga,’ bumisita ang talented actor na si Kelvin Miranda para maging celebrity judge kung saan nakasama niya ang ilang mommies na may special children. 

Dito ay pinakilig ni Kelvin ang mga Kapuso viewer sa kaniyang performance ng ‘Huwag Na Lang Kaya’ ng bandang True Faith. Ibinahagi rin niya sa mga Dabarkads ang naging experience niya habang quarantine, “Noong simulang buwan ng pandemic, nasa bahay lang kasama ‘yung pamilya. Noong sumunod, nag-aral magluto. Maraming na-discover sa loob ng bahay na puwede palang gawin.”

Samantala, mapapanood si Kelvin sa upcoming GMA News TV series na ‘The Lost Recipe,’ kung saan makakatambal niya ang aktres na si Mikee Quintos. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Kapuso Mo, Jessica Soho,’ 16 taon na!

Music video ng single ni Anthony Rosaldo, ilulunsad na