in

‘Kapuso Mo, Jessica Soho,’ 16 taon na!

Tuwing Linggo ng gabi, automatic na ang panonood ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Sabi nga ng marami, hindi kumpleto ang Sunday night viewing experience nila kung hindi makakapanood ng KMJS na 16 taon na rin palang umeere at kinikilalang longest running news magazine program sa bansa.

Last week nga lang ay patok na patok ang taunang Halloween special ng KMJS – ang Gabi ng Lagim — na pasok ulit sa listahan ng Top Trending Topic Worldwide at Philippines sa Twitter. 

Patuloy rin ang paglakas ng KMJS sa Facebook na mayroon ng 14.4 million Likes at 19.2 million Followers. Umabot na rin sa 1.4 billion views ang KMJS videos sa Facebook this year.

At ngayong Linggo nga ay papasok na ang programa sa ika-16 taon nito! Siguradong special ang magiging episode nito at isa sa mga dapat abangan this Sunday, 8:45pm, ay ang exclusive interview ni Jessica Soho kay Lorita Cadena, ang ina ng yumaong vlogger na si Lloyd Cadena.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Yassi Pressman, bumabalik na ba ang pagtingin kay Richard Gutierrez sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’?

Kelvin Miranda, nagpakilig sa kanyang performance sa ‘Eat Bulaga!’