in

Khalil Ramos at Kenneth Medrano, magpapakilig sa ‘Mars Pa More’

Uulan ng kilig ngayong Biyernes (November 6) dahil makakasama nina ‘Mars Pa More’ hosts Camille Prats at Iya Villania ang Kapuso Bae na si Kenneth Medrano and newest Kapuso Heartthrob na si Khalil Ramos.

‘Wag magpahuli sa latest TikTok trend dahil ituturo ni Kenneth ang ‘Merengue Viral Dance Challenge.’

Samantala, kilalanin ang bagong Kapuso na si Khalil na masayang ibabahagi ang kanyang hobbies and interests. Ipapamalas din ni Khalil ang kanyang galing sa pagawa ng sariling Art Latte.

Tutukan ang isa na namang masayang chikahan sa fresh episode ng ‘Mars Pa More’, 8:45AM, sa Kapuso Network!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Gabbi Garcia at Khalil Ramos, nagpakilig sa kanilang Halloween costume!

Us-based musical director, ibibida ang OPM Ballads sa nilulutong album