in

Elijah Alejo, nagbitbit ng sangkatutak na pagkain sa ‘Prima Donnas’ lock-in taping

Sa latest YouTube vlog ng Kapuso teen actress na si Elijah Alejo, ibinahagi niya ang naging experience sa nakaraang lock-in taping para sa fresh episodes ng top-rating GMA Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas.’

Sa kanyang “Room Tour” video, ipinakita niya ang sangkatutak na pagkain na baon nila ng kaniyang mommy kaya nagmistulang sari-sari store raw ang kanilang kwarto.

Bukod sa food supply, prepared na prepared din ang aktres sa baon niyang alcohol, face mask, face shield, personal humidifier, at marami pang iba. Para sa kabuuan ng vlog, bisitahin lang ang official YouTube channel ni Eljah.

Samantala, simula Lunes (November 9) ay mapapanood na ang fresh episodes ng ‘Prima Donnas’ pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA Afternoon Prime.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Us-based musical director, ibibida ang OPM Ballads sa nilulutong album

Toni Gonzaga, tinanggap ang hamon ni Kuya na maging host ng ‘PBB Connect’