in

Gabbi Garcia at Khalil Ramos, nagpakilig sa kanilang Halloween costume!

Nangibabaw ang kilig kaysa takot ng fans dahil sa nakakatuwang Halloween costumes ng Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos bilang corpse bride at zombie groom!

Ito ang getup ng dalawa sa naging intimate Halloween party kasama ang kanilang mga friends from the “Nguya Squad.” Umani naman ng positive feedback mula sa netizens ang social media posts ng #GabLil. Talaga nga raw “Relationship Goals” sila!

Sey ng isang fan, “Nakakainis talaga ‘tong mag-jowa na ‘to. I’m fine being single pero nakaka-inggit kayong dalawa!”

Samantala, inaabangan na rin ng mga #GabLil fan ang upcoming mini-series na pagbibidahan ng dalawa na ‘Love You Stranger’ sa GMA Public Affairs.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Christian Bautista, aminadong hindi madali maging isang judge

Khalil Ramos at Kenneth Medrano, magpapakilig sa ‘Mars Pa More’