in

Zoren Legaspi, inihatid sa lock-in taping ng mga anak

 
Nagsimula na ang 23 days lock-in taping ng GMA Afternoon Prime series na ‘Bilangin ang Bituin sa Langit,’ kung saan parte ng cast ang Kapuso actor na si Zoren Legaspi. 

At dahil matagal-tagal na hindi makakauwi sa bahay, inihatid siya ng mga anak na sina Mavy at Cassy sa San Mateo, Rizal kung saan siya pansamantalang nananatili.
 
Sa isang Instagram post, pinasalamatan niya ang mga ito, “Thank you @cassy and @mavylegaspi for bringing me here in my bubble.”
 
Sa hiwalay na post, ibinahagi rin ni Zoren na kahit “rest day” ay naghahanda pa rin siya para sa mga eksena niya, “It’s our rest day today…but not completely, ‘cause an actor prepares.”   

Kasalukuyang napapanood sa timeslot ng Bilangin ang Bituin sa Langit ang replay ng One True Love sa GMA Afternoon Prime. 

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Award-winning at critically acclaimed film na ‘Quezon’s Game’ ipapalabas sa UAE

Grae Fernandez at Kira Balinger, mang-aagaw eksena sa ‘Ang Sa Iyo Ay Akin’