in

#24OrasChallenge, patok sa netizens! Keri mo ba?

Benta ngayon sa netizens ang #24OrasChallenge sa TikTok!

Sa challenge, may chance na ang mga aspiring TV reporter o anchor na matupad ang kanilang pangarap kasama pa ang kanilang favorite Kapuso anchors ng 24 Oras. Ang gagawin lang ay babasahin nila ang balita sa teleprompter. O, di ba, bongga!

Ilan na nga sa mga nagbahagi ng kanilang spiels sa TikTok account ng Kapuso newscast ay sina 24 Oras anchor Vicky Morales at Chika Minute segment host Iya Villania. Join din sa fun sina Atom Araullo at Mav Gonzales.