in

Mapanlinlang ang panlabas na anyo at ang mababangong salita sa pelikulang ‘Paupahan’

Ngayong alam na niya ang totoo, may madilim na balak si Analyn.

Mapanlinlang ang panlabas na anyo at ang mababangong salita. Sa pelikulang “Paupahan”, gaano kadilim kaya ang mundong papasukin sa oras na hindi makamit ang inaasahan? Mapapanood sa Vivamax, ito ay pinagbibidahan ng 2022 MMFF Best Supporting Actress Nominee Tiffany Grey bilang Analyn kasama rin sina Robb Guinto bilanng Katherine at Jiad Arroyo bilang Nico.

Si Analyn ang landlady ng apartment ng kanyang lola na may sakit na dementia. Kitang-kita ang kanyang pagkasimple at mahiyain kaya naman madali siyang namanipula ni Nico, isang commercial model na umuupa sa apartment.

Napaniwala ni Nico na espesyal si Analyn sa kanya kahit na iba’t-ibang babae ang inuuwi niya. Kung madali para kay Nico na balewalain si Analyn, hirap naman siyang isantabi ang pakiramdam na parang may matang laging nakatutok sa kanya.

Samantala, nabisto ni Analyn na ikakasal na pala si Nico nang may isang babaeng lumitaw at sinabing siya ang fiancé ng binata. Sa katunayan, si Katherine ay kagagaling lang sa abroad kaya naging LDR sila ni Nico.

Ngayong alam na niya ang totoo, may madilim na balak si Analyn.

Sa likod ng mga dingding, ibang-iba si Analyn sa inosenteng babae na nakilala ni Nico. At mas matindi pa ang kanyang kayang gawin.

Ang “Paupahan” ay mula sa panulat ni Quinn Carrillo, at direksyon ni Louie Ignacio. Available for streaming sa April 8, 2023. Hindi mo dapat palampasin.

Punta na sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.

Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax. Makakapanood na sa halagang AED35/month. Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.

Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand,USA at Canada.
Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo.
Vivamax, atin ‘to!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

LOOK: FiLay loveteam, unstoppable ang kasikatan!

‘Dapat may kasulatan!’ Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Boy Abunda, hinimay ang mga isyu tungkol sa utang sa ‘CIA with BA’