in

Jayda Avanzado, Aljon Mendoza, at Markus Paterson magpapakilig sa bagong iWantTFC series na ‘Teen Clash’

Paano magkakasundo sina Zoe, Ice, Jude, at ang kanilang mga barkada kapag hinarap na nila ang mga totoong isyu tungkol sa pag–ibig, ambisyon, at pagkakaibigan?

Maghahatid ng kilig at good vibes ang pinakabagong tambalan nina Jayda Avanzado, Aljon Mendoza, at Markus Paterson sa inaabangang iWantTFC original series na “Teen Clash,” na mapapanood nang libre simula Marso 17.

Ang “Teen Clash” ay isang adaptation ng patok na Wattpad story ni Ilyn Anne Danganan na tungkol sa komplikadong buhay ng mga teenager na gustong maabot ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanilang pagmamahal para sa musika sa kabila ng kani-kanilang mga kalokohan sa buhay.

Mapapanood sa serye si Jayda bilang si Zoe, isang dalagang nangangarap maging kilalang musician kahit na nasangkot siya sa kontrobersyal na eskandalo noon. Sa kanyang kagustuhang magmove-on mula sa kahihiyan at patunayan ang kanyang sarili, magiging target niya ang pagsali sa music jam competition ng kanyang eskwelahan.

Dito niya makikilala ang naggagwapuhang songwriter na si Ice (Aljon). Si Ice ang tutulong kay Zoe na mahasa ang kanyang talento sa musika at maaari ring mauwi sa pag-iibigan ang unti-unti nilang pagiging malapit.

Magiging kalaban naman ni Ice sa puso ni Zoe si Jude (Markus), ang dating singing partner ni Zoe na ngayon ay isang sikat na heartthrob at singer na.

Sa pagpasok ni Zoe sa kolehiyo, magkakaroon siya ng mga bagong kaibigan at bandmates na sina Yannie (Bianca de Vera), isang dalagang hirap na hirap magmove-on sa ex niyang si Xander (Zach Castañeda); Ayumi (Gail Banawis), ang matalinong nakikipagkompetensya kay Ken (Ralph Malibunas) para sa top honors; ang kaibigan niyang maiipit sa love triangle na si Sab (Fana); at si Mandy (Andrea Abaya), ang ‘campus darling’ na crush ng bayan.

Nasa barkada naman ni Ice sina Xander, ang ‘certified playboy;’ Ken, ang matalinong drummer boy; si Josh (Kobie Brown) na patay na patay kay Mandy; at si Lloyd (Luke Alford), ang best friend at co-worker ni Ice.

Paano magkakasundo sina Zoe, Ice, Jude, at ang kanilang mga barkada kapag hinarap na nila ang mga totoong isyu tungkol sa pag–ibig, ambisyon, at pagkakaibigan?

Ang “Teen Clash” ay idinerehe ni Gino M. Santos at iprinodyus ng iWantTFC at Black Sheep. Mapapanood ito nang libre sa Pilipinas simula Marso 17 sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). May bagong episode na ipapalabas kada Biyernes ng 8 PM (Manila time).

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang “watch now, no registration needed” feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa [email protected].

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, hinirang bilang Digital Media Network of the Year sa the Platinum Stallion National Media Awards 2023

Mary Delle Cascabel, kauna-unahang ‘Girl on Fire’ Grand Champion