in

Francis Toral, bagong head ng ABS-CBN News

Nagtapos si Francis bilang magna cum laude sa University of the Philippines sa kursong Broadcast Communication noong 1998. Noong 2009, ginawaran siya ng Benigno and Corazon Aquino Fellowship ng United States Embassy.

Itinalaga ng ABS-CBN si Mary Anne Francis Toral bilang bagong head ng ABS-CBN News na kapalit ni Regina “Ging” Reyes na nagretiro noong Disyembre 31, 2022.

Naging ABS-CBN News Production head si Francis, kung saan isa siya sa nangasiwa sa matagumpay na 2022 Halalan marathon coverage. Pinamunuan rin niya ang ABS-CBN News DocuCentral na nanalo ng iba’t ibang parangal para sa mga makabuluhang dokumentaryo. Kabilang na rito ang “Di Ka Pasisiil” na tungkol sa Marawi siege na nag-uwi ng Gold World Medal mula sa New York Festivals – World’s Best TV & Films noong 2018.

Siya rin ang nasa likod ng special coverage ng pagbisita ni Pope Francis sa Pilipinas noong 2015 at ng “PILIPINAS 2016,” ang Presidential Town Hall Debate na ginanap sa Pangasinan.

Sa kanyang 25 taon sa ABS-CBN News, naging executive producer din siya ng iba’t ibang programa kabilang na ang “The World Tonight” nina Angelo Castro Jr. at Tina Monzon Palma, “Talkback” ni Tina Monzon Palma, at “Beyond Politics” ni Lynda Jumilla.

Nagtapos si Francis bilang magna cum laude sa University of the Philippines sa kursong Broadcast Communication noong 1998. Noong 2009, ginawaran siya ng Benigno and Corazon Aquino Fellowship ng United States Embassy.

Samantala, si Nadia Trinidad naman ang bagong News Digital Media head. Siya ang mangangasiwa sa ABS-CBN News Online at ibang digital news properties nito. Si Nadia ang dating head ng ABS-CBN News Channel (ANC) bago itinalaga sa bagong pwesto. Nagsimula si Nadia sa ABS-CBN News bilang reporter at news advisory anchor sa Studio 23. Kalaunan naging North America Bureau chief siya noong 2011, News Production head noong 2013, at managing director noong 2021. Nagtapos ng kursong Communication si Nadia sa Ateneo De Manila University at may postgraduate degree rin siya mula sa Stanford University bilang isang John S. Knight Journalism Fellow.

Si Nadia ang pumalit kay Lynda Jumilla na nagretiro na rin noong Disyembre 31 matapos magsilbi bilang ABS-CBN News Digital Media head sa loob ng tatlong taon. Isang batikan na mamamahayag si Lynda na ginawaran ng Marshall McLuhan fellowship noong 2012 ng Embassy of Canada in the Philippines. Naging anchor din siya ng “Beyond Politics” ng ANC at nagsilbing ABS-CBN chief of reporters.

Si Alvaro Dan “Baroy” Morga naman ang inanunsyong bagong ANC head na mamamahala sa overall business deliverables at content production ng ANC. Bago ang kanyang appointment, dating ABS-CBN News head of Strategy and New Business si Baroy. Nagtapos siya ng kursong Economics mula sa Ateneo De Manila University.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Nickelodeon star Eduard Banez ‘ninakawan’ ng $345 sa banko

Jeromy, Marcus, Kyler, Vinci, Reyster, Kim, at Winston bubuo sa global pop group na ‘HORI7ON’