in

Angela Ken, BINI, BGYO, Gigi de Lana, at iba pang Kapamilya artists, todo ang ningning noong 2022

Back-to-back namang naglunsad ang P-pop sibling groups na BGYO at BINI ng kanilang sophomore album noong 2022.

Naging espesyal na taong 2022 para sa maraming Kapamilya artists na talaga namang nagningning ang karera at umani ng maraming streams dahil sa kanilang nakakaiyak, nakakaindak, at nakaka-inspire na musika.

Isa na rito ang Star Music artist na si Angela Ken na pumalo na sa 36 million all-time streams ang musika sa Spotify matapos niyang pasukin ang industriya taong 2021 at ilunsad ang kanyang unang album noong Nobyembre. Kabilang dito ang kanyang patok na mga awiting “Ako Naman Muna” at “It’s Okay Not To Be Okay.”

Umani naman ng 3.9 million plays ang self-titled debut album ng breakout artist na si Gigi de Lana pagkatapos ilunsad noong Enero 2022 na sinundan pa ng kanyang matagumpay na “Domination” concert tour sa Manila, Middle East, at Amerika. Ngayong taon, nakatakda naman siyang pangunahan ang post-Valentine’s concert na “G Rules” kasama ang The Gigi Vibes sa The Theater at Solaire sa Pebrero 18.

Isa rin si Janine Berdin sa matagumpay na nakapagbahagi ng sariling musika sa pamamagitan ng kanyang debut mini-album na “WTF I actually wrote these songs” na meron nang higit sa 3 million streams.

Back-to-back namang naglunsad ang P-pop sibling groups na BGYO at BINI ng kanilang sophomore album noong 2022. Pumalo na sa 3 million plays ang “Be Us” album ng BGYO na nito lamang Nobyembre inilabas.

Samantala, patok din ang paglunsad ng “Feel Good” album ng BINI noong Setyembre na sinundan pa ng matagumpay na live “Feel Good” album showcase noong Oktubre na ginanap sa SM North EDSA Skydome. Bumida rin ang kanilang album sa iba’t ibang Spotify playlists, kabilang na ang Radar Philippines, EQUAL, P-Pop on the Rise: Best of 2022, at iba pa.

Kasama naman sa mga single na umani ng multiple features sa Spotify ang “O Luna” ng balladeer na si JMKO, “RBND” mula sa baguhang singer na si Zachary, at “Best Friends” ni DNA Music artist Cool Cat Ash.

Hindi rin nagpahuli ang rising music heartthrob at “Lyric and Beat” star na si Jeremy G na naglunsad ng kayang bagong single na “Sinayang Mo” na meron na ngayong 100,000 streams.

Pakinggan ang musikang hatid ng ABS-CBN Music artists na sina Angela, BGYO, BINI, Cool Cat Ash, Gigi, Janine, Jeremy G, JMKO, at Zachary sa iba’t ibang music platforms at abangan si Gigi at ang The Gigi Vibes band sa “G Rules” ngayong Pebrero. Para sa karagdagang detalye, sundan ang Star Music sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at YouTube.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Miss Universe, mapapanood nang live sa iba’t-ibang ABS-CBN platforms

Janine Gutierrez maghihiganti laban sa pamilya ni Zanjoe Marudo sa ‘Dirty Linen’