in

Darna, wagi laban kina Dr. Ibarra, Luna, at Fake Darna

Bilang paghahanda sa matitinding laban na itatampok sa “Mars Ravelo’s Darna” ngayong Disyembre, nagbabalik-tanaw ang programa sa ilan sa bigating fight scenes na talaga namang nagpabilib sa mga manonood.

Narito ang ilang eksena na nagpapatunay na si Darna (Jane De Leon) ang ultimate Pinay superhero:

Darna vs. Dr. Ibarra

Kahit pa taglay na ng magaling na scientist na si Dr. Florentino Ibarra (Lito Pimentel) ang pinagsama-samang superpowers ng mga Extra, bigo siyang talunin ang paboritong superhero ng Nueva Esperanza na si Darna sa Dec. 2 episode ng programa.

Mabuti rin at nariyan si Dr. Rolando Villalobos o Lolo Rolando na tumulong kay Darna. Ano kayang mangyayari ngayon sa rehabilitation facility ng mga Extras ngayong si Lolo Rolando na ang mamumuno rito bilang head scientist?

Darna vs. Luna

Nabihag ng Martean warrior na si Luna (Kira Balinger) ang puso ng mga tao sa siyudad, kasama na ang kapwa EMT ni Narda na si Richard (LA Santos). Pero bago ito nangyari, sinubukan munang talunin ni Luna si Darna sa isang trending fight scene.

Ipinakita sa kanilang paghaharap ang epic battle ng dalawang mandirigma na parehong inihanda ng First Darna (Iza Calzado). Kinalaunan, nakuha rin ni Darna ang suporta ni Luna bilang protektor ng bato.

Darna vs. Fake Darna

Bigo muli ang shapeshifter si General Borgo (Richard Quan) na pabagsakin si Darna kahit pa nagpanggap siyang maging Darna mismo. Matapang siyang hinarap ng tunay na Darna at agad din siyang umatras sa laban dahil malinaw na wala siyang abilidad na talunin ito.

Bukod sa galing ni Darna, naibida rin sa Nobyembre 28 episode ng programa ang talento ni Jane sa aktingan bilang kontrabida sa papel ng fake Darna.

Samantala, habang patuloy si Darna sa pagtatanggol sa mga tao ng Nueva Esperanza, palakas naman nang palakas si Valentina (Janella Salvador) dahil na rin sa matinding pag-uudyok ni Borgo. Matalo na kaya niya si Darna sa susunod nilang paghaharap?

Abangan ito sa mga susunod na episode ng “Darna,” Lunes hanggang Biyernes, 8 pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Available rin ang ABS-CBN series na prinodyus ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC.

Para sa iba pang impormasyon, sundan ang JRB Creative Production sa Facebook at Twitter (@JRBcreativeprod) at sa Instagram (@JRBcreativeproduction).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Music video ng ‘Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa’ Christmas ID ng ABS-CBN, nagpaligaya sa netizens

Isang Call Center Agent Na Bumibiyahe Nang Dalawang Oras Papuntang Trabaho