in

Music video ng ‘Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa’ Christmas ID ng ABS-CBN, nagpaligaya sa netizens

Panoorin ang “Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa” music video sa ABS-CBN Entertainment Facebook page, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.

Umapaw ang ligaya at paghanga sa social media matapos ipalabas ng ABS-CBN ang official music video ng “Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa” Christmas ID na nakakuha na ng mahigit isang milyong views sa YouTube at Facebook.

Nag-trending agad ang star-studded music video sa Twitter na hinangaan ng maraming netizens dahil sa makabuluhan nitong mensahe tungkol sa pagkapit sa Diyos, pamilya, at kaibigan para makahanap ng ligaya sa gitna ng pagsubok at pagtampok sa mga taong nagpakita ng kabayanihan at malasakit sa kapwa.

Naging emosyonal ang netizen na si Claire Remolta matapos mapanood ang bagong Christmas ID music video.

“Grabe wala talagang time na ‘di ako umiiyak every time naririnig ko kanta ninyo lalo na’t tungkol sa Panginoon. God is good all the time kaya nga proud akong manonood ng Kapamilya. God bless all of you! The best CID,” komento niya.

Para naman kay Nikko Alday, hindi raw kumpleto ang kanyang Pasko kapag hindi napapanood ang Christmas ID ng ABS-CBN.

Aniya, “Iba ang dalang inspirasyon niyo Kapamilya sa sambayanang Pilipinas. Personally, hindi kumpleto ang Pasko ko kapag wala ‘yung ganitong kagandang CID music video. Maraming salamat po, Kapamilya!”

Isinulat ang “Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa” ni ABS-CBN Creative Communication Management head Robert Labayen, habang si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo ang naglapat ng musika at nanguna sa overall vocal arrangement at music production. Si Tommy Katigbak naman ang gumawa ng musical arrangement at si Tim Recla ang nag-render ng final mixed at mastered song.

Inaanyayahan din ang lahat na sumali sa #TayoAngLigayaDuets. Pumunta sa official ABS-CBN vertical accounts (TikTok, YouTube Shorts, Facebook/Instagram Reels) at piliin ang artist na gustong maka-duet. Pwedeng sumayaw o kumanta kasama ang napiling Kapamilya star at pagkatapos ay i-upload ang video kasama ang official hashtag na #TayoAngLigayaDuets.

Samantala, maaari nang mag-pre order ng official licensed “Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa” t-shirts sa authorized partner ng ABS-CBN na shirtsandprintsph (Facebook, TikTok, Lazada) shirtsandprintsph1207 (Shopee) sa halagang P350.

Panoorin ang “Tayo Ang Ligaya ng Isa’t Isa” music video sa ABS-CBN Entertainment Facebook page, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Aguila Entertainment, mas bobongga sa 2023

Darna, wagi laban kina Dr. Ibarra, Luna, at Fake Darna