Muling maghaharap sa court ang Kapuso celebrities at mga student-athlete ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) this Saturday, October 15.
Gaganapin ang big event na ‘yan sa pagitan ng Team Heroes at Team Saints sa FilOil EcoOil Centre, San Juan City at mapapanood din live sa GTV at 2:30PM.
Para sa Team Heroes, maglalaro ang Kapuso stars na sina Pancho Magno, Kokoy de Santos, Migs Villasis at Raheel Bhyria. Makakasama nila sa koponan ang mga pambato ng Arellano University Chiefs, Emilio Aguinaldo College Generals, José Rizal University Heavy Bombers, Lyceum of the Philippines University Pirates at Mapua University Cardinals.
Magiging kakampi rin nila ang basketball legends na sina Jerry “Defense Minister” Codiñera at Allan “The Triggerman” Caidic. Magsisilbi namang muse ng Team Heroes si Sparkle artist Lianne Valentin.
Ready na ring magpakitang-gilas ang Team Saints kasama sina Kapuso actors Jeric Gonzales, Prince Clemente, Kirst Viray at Season 97 All-Star Game Celebrity MVP Jose Sarasola. Lalo pang ile-level up ang kanilang game play kasama ang mga team player ng Letran Knights, De La Salle-College of St. Benilde Blazers, San Beda University Red Lions, San Sebastian College-Recoletos Golden Stags at University of Perpetual Help System ALTAs.
Kukumpleto sa kanilang koponan ang Philippine basketball icons na sina Marlou “The Skyscraper” Aquino at former Letran Knight Willie “The Thriller” Miller. Rarampa naman bilang muse ng Team Saints si Sparkle actress Shaira Diaz.
Bukod sa star-studded teams, may hatid ding special performances ang XOXO pati ang mga Kapusong sina Jon Lucas, Kim de Leon, at Rochelle Pangilinan. Host ng GMA NCAA All-Star Game ang sportscaster na si Martin Javier at kasama rin bilang basketball analysts ang mag-amang sina Benjie at Andre Paras.
Para sa mga gustong manood live, maaaring bumili ng tickets sa www.ticketmax.ph.
See you there, mga Kapuso!