in

‘The Escort Wife,’ ang pagkabagot, kuryosidad, at kagustuhang gumawa ng mga exciting na bagay na wala sa lugar

Ang “The Escort Wife” ay sinulat at prindouce ng award-winning filmmaker, Yam Laranas.

Ang pagkabagot, kuryosidad, at kagustuhang gumawa ng mga exciting na bagay na wala sa lugar ay maaaring magdulot ng kasiraan sa sarili at sa kapwa. Ito ang ipakikita ng Vivamax original movie na “The Escort Wife” mula sa direksyon ni Paul Basinillo.

Ang beauty queen na si Janelle Tee (“Kinsenas, Katapusan”, “Putahe”, “Secrets”) ay gumaganap bilang Patricia, isang maybahay na madalang lumabas ng bahay. Nasa late 20s pa lamang siya at tulad ng mga babaeng ka-edad niya, gusto rin niyang makaranas ng iba’t-ibang adventure. Pero hanggang sa pagmasid lamang ang nagagawa ni Patricia. Mula sa bintana ng kanilang bahay, pinapanood niya ang mga tao sa labas.

Sa ganitong paraan niya makikita ang isang magandang babae na nakikipagtalik. Naging matindi ang interes ni Patricia sa babaeng iyon hanggang sa inalam na niya ang mga galaw nito.

Si Chrissy, na isang prostitute, ang inii-stalk ni Patricia. Ginagampanan ito ni Ava Mendez (“Pornstar 2: Pangalawang Putok”, “Eva”, “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili”, “Purificacion”). Gusto na niyang iwan ang trabahong ito at ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral upang makapagtrabaho nang marangal at yumaman nang husto. Gusto niyang maging kasing-yaman ng kanyang mga kliyenteng lalaki. Isa dito ang asawa ni Patricia na si Roy (Raymond Bagatsing).

Si Roy, isang doctor na mula sa mayamang pamilya. Hindi nito gaanong binibigyang pansin si Patricia. Hindi magtatagal ay madidiskubre ni Patricia ang kaugnayan nito kay Chrissy at hindi niya mapipigilan ang kanyang galit.

Ang “The Escort Wife” ay sinulat at prindouce ng award-winning filmmaker, Yam Laranas.

Ngayon pa lang ay mainit na ang pagtanggap ng mga fans ni Janelle Tee sa pelikulang ito. Maraming positive comments sa Instagram post ng aktres noong July 3 kung saan makikitang nakayakap sa kanya si Raymond Bagatsing. Ganon din ang buhos ng suporta sa solo picture niya bilang Patricia na lumabas sa IG noong July 5.

Ito ang ikalawang pelikulang idinirek ni Paul Basinillo matapos ang musical drama movie na “Indak”. Kilala si Direk Paul sa mga concerts at TV series na dinirek niya sa ilalim ng Viva.

Ipalalabas na ang “The Escort Wife” sa Vivamax sa September 16, 2022.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.

Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax. Makakapanood na sa halagang AED35/month. Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.

Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada.

Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo.

Vivamax, atin ‘to!

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

BINI, hatid ang ‘Feel Good’ na album launch showcase para sa Blooms ngayong October 1

Khimo Gumatay, bagong iidolohin ng bansa bilang ‘Idol PH’ Season 2 Grand Winner