Makisaya na sa bonggang Independence Day party, tampok ang bigating Pinoy acts ng inyong paboritong Kapamilya stars at ilang special guests ngayong Linggo (Hunyo 12) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
May pangmalakasang collab ang viral music sensations na sina EZ Mil at Gigi de Lana sa ASAP stage.
Taas-noo nating ipagsigawang tayo’y Pinoy sa isang OPM hits kantahan at sayawan kasama sina Robi Domingo, Janella Salvador, Vivoree Esclito, Jin Macapagal, Joao Constancia, Jeremy G, Fana, KZ, Sheena Belarmino, Sam Mangubat, iDolls, Sinag Color Guards, at ang buong “ASAP Natin ‘To” family.
Abangan din ang P-Pop treat mula sa BINI at BGYO kasabay ang new-gen composers na sina Angela Ken, SAB, and Trisha Denise.
May mainit-init namang “Star Magic Presents” performance sina AC Bonifacio, Krystal Brimner, at Jayda kasama sina Angela Tungol, Reign Parani, Kei Kurosawa, at Maxine Trinidad.
Makikipag-sabayan din sa kantahan ang New Gen Birit idols na sina Elha Nympha, Reiven Umali, Janine Berdin, at JM Yosures sa mga paborito ninyong singing champion na sina Jason Dy, Klarisse de Guzman, Erik Santos, at Angeline Quinto.
Kiligin din sa harana ng inyong kinagigiliwang Kapamilya heartthrobs na sina Donny Pangilinan, Seth Fedelin, KD Estrada, Jameson Blake, at JM de Guzman.
Pakatutukan din ang birthday treat ng premyadong composer na si Louie Ocampo kasama sina Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, Belle Mariano, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, at Maymay Entrata.
At abangan ang all-star tribute para kay Basil Valdez mula kina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Darren, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa “The Greatest Showdown.”
Ito ang Independence Day party na hindi mo dapat palampasin mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.