in

Mga sikat na Tiktokerist, tampok ‘KBYN: Kaagapay ng Bayan’ ni Noli de Castro

Abangan ang tatlong kwentong puno ng inspirasyon sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan,” tuwing Linggo, 5 pm bago ang “TV Patrol Weekend” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, news.abs-cbn.com/live, YouTube ng ABS-CBN News, at A2Z.

Marami ang sumisikat ngayon sa TikTok kaya naman minabuti ni Kabayan Noli de Castro na kilalanin ang dalawang sikat na content creators sa bagong episode ng “KBYN: Kaagapay ng Bayan” na napapanood tuwing Linggo, 5 pm bago ang “TV Patrol Weekend” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, news.abs-cbn.com/live, YouTube ng ABS-CBN News, at A2Z.

Si Lola Angelita Vicente or Mommy Gangster, mahilig gumawa ng videos kasama ang kanyang mga anak. Nitong pandemic lang din nagsimula si Mommy Gangster na gumawa ng videos sa tulong ng kanyang mga anak na nagsisilbing cameraman, editor, at props man. Samantala, si Spencer Serafica naman na top TikTok star noong 2021 ay Batang 90s ang tema ng mga ginagawang videos. Halos tatlong oras daw ang ginugugol ni Spencer sa paglikha ng isang TikTok video.

Dahil patok ang tourist sites ngayong tag-init, namasyal din si Kabayan sa Wawa Dam sa Montalban, Rizal. Bukod sa magaan sa bulsa ang mag-nature tripping sa Wawa Dam, marami na ring outdoor activities at historical sites dito na tinatangkilik ng mga turista. Ngunit sa kabila ng umuusbong na turismo, unti-unti na ring nagiging madungis ang kapaligiran sa pagdami ng basura. Lumalabo na rin ang tubig dahil sa ginagawang Upper Wawa Dam.

Tatagos din sa puso ang kwento ni Mar Caraig dahil sa kabila ng kawalan ng braso at paa ay naitataguyod ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng talento sa pag-uukit. Patapong kahoy na napupulot ni Mar ang kanyang gamit para lumikha ng nakakamanghang obra.

Abangan ang tatlong kwentong puno ng inspirasyon sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan,” tuwing Linggo, 5 pm bago ang “TV Patrol Weekend” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, news.abs-cbn.com/live, YouTube ng ABS-CBN News, at A2Z.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Halalan 2022: The ABS-CBN News Special Coverage,’ tuloy-tuloy na maghahatid ng balita sa YouTube simula Mayo 9

Koronasyon ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi, nagtala ng bagong live viewership record sa YouTube