in

Maricel Soriano, bibida sa panibagong edisyon ng Sagip Pelikula Spotlight

Sunod na bibigyang-pugay ng ABS-CBN Film Restoration ang nag-iisang Diamond Star, Maricel Soriano, sa panibagong edisyon ng “Sagip Pelikula Spotlight,” tampok ang premiere ng digitally restored niyang pelikula na “Ama, Ina, Anak” sa KTX.ph simula Abril 26 (Martes).

Sunod na bibigyang-pugay ng ABS-CBN Film Restoration ang nag-iisang Diamond Star, Maricel Soriano, sa panibagong edisyon ng “Sagip Pelikula Spotlight,” tampok ang premiere ng digitally restored niyang pelikula na “Ama, Ina, Anak” sa KTX.ph simula Abril 26 (Martes).

Ipapalabas din kinabukasan sa KTX ang ilan pa sa mga restored classics ni Maria, kabilang ang “T2,” “Kung Kaya Mo, Kaya Ko Rin,” “Mila,” “Separada,” “A Love Story,” at iba pa na may kasamang one-on-one interview sa Diamond Star sa preshow nito.

Patuloy ang “Sagip Pelikula Spotlight” sa pagpupugay sa mga natatanging indibidwal sa pelikulang Pilipino, tampok ang pagpapalabas ng restored na mga obra nila.

Sa isang interview kasama ang ABS-CBN Film Restoration head na si Leo Katigbak, lubos na nagpapasalamat si Maria sa ABS-CBN sa layunin nitong pahalagahan ang mga klasik na pelikulang Pilipino, at sa mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanyang karera sa showbiz.

Sinabi rin ni Maricel na kahit pinagiisipan niya ang pagre-retiro sa industriyang kinalakihan niya, hindi pa rin niya ito kayang talikuran at handa siyang tumanggap ng ilan pang proyekto sa hinaharap.

“Magre-retire? Oo, bakit hindi? Pero ‘pag may gusto akong gawin, gagawin ko ang pelikula. Hindi pwedeng mawala iyon eh, ‘yun lang alam kong gawin sa buhay ko at ‘yun ang love ko. ‘Yun ang bumuhay sa akin, sa pamilya ko, sa mga anak ko. Hindi ko siya pwedeng talikuran,” aniya.

Sisimulan ang bagong edisyon ng “Sagip Pelikula Spotlight” sa pagpapalabas ng 1996 family drama hit ng Star Cinema na “Ama, Ina, Anak” na pinagbidahan ni Maricel kasama sina Edu Manzano at Angelica Panganiban.

Sa panulat at direksyon ni Jose Javier Reyes, tampok sa pelikula ang kwento ng mag-asawang sina Marilen (Maricel) at Santi (Edu). Parehas silang hindi pinalad magkaroon ng anak hanggang sa napagdesisyunan nilang ampunin ang kanilang unica hija na si Isabel (Angelica).

Sa kabila ng mga dagok sa kanyang pagbubuntis, naisilang din ni Marilen ang isa pa nilang anak. Ngunit, muntik na mawala sa kanilang piling ang bata dahil kay Isabel, na siyang ikinagalit nang husto ni Santi at ibinaling ang pananakit sa kanya.

Kasama din sa pelikula sina Rico Yan, Jolina Magdangal, Stefano Mori, Cherry Pie Picache, Teresa Loyzaga, Jackie Lou Blanco, Ogie Diaz, Nonie Buencamino, Subas Herrero, Lulu Arieta, Olga Natividad, Angie Castrence, Mon Confiado, at Boots Anson-Roa.

Panoorin ang premiere ng digitally restored version ng “Ama, Ina, Anak,” na may kasamang exclusive interview kay Maria, sa darating na Abril 27, 7:30 PM, sa KTX.

Mabibili na ang mga ticket nito sa https://bit.ly/AmaInaAnakOnKTX sa halagang P150.

Ipinagdiwang ng ABS-CBN Film Restoration ang ika-10 taon nito ng pagsagip ng mga natatanging pelikulang Pilipino sa pamamagitan ng proyekto nitong Sagip Pelikula. Tumanggap na ito ng ilang award tulad ng Gold Quill award mula sa International Association of Business Communicators (IABC), Gawad Pedro Bucaneg mula sa Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL), at kamakailan lang din ang Gawad PASADO sa Pagsisinop ng mga De Kalibreng Pelikula mula sa katatapos lang na 23rd Gawad PASADO ng Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO).

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

10 Presidentiables, mas kinilala sa ‘Kampanyaserye’ at ‘Harapan 2022’ special ng ABS-CBN News

BGYO, pangungunahan ang ‘Best Time’ sa ‘He’s Into Her’ Season 2