Nagpahayag na ng suporta ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa kandidatura ni human rights lawyer Chel Diokno bilang senador.
Sa isang Instagram story, ibinahagi ni Jodi ang kanyang larawan habang gamit ang “CHELFan” at hawak ang flyer ni Atty. Chel.
Sinamahan niya ito ng caption na “Hello Tay @cheldiokno! Isa po ako sa mga Chel-dren niyo” at hashtag na #21cheldioknosasenado, na tumutukoy sa numero ni Diokno sa balota.
Sa hiwalay na Instagram story, nag-post si Jodi ng larawan ng “CHELFan” at flyer kasama ang caption na “Sasamahan tayong maging liyamado ang mga dehado #21cheldioknosasenado.”
Sa kanyang parte, sumagot si Atty. Chel ng “Thanks for the support, Jodi! Malaki ang maitutulong nito sa hangarin nating magkaroon ng gobyernong tapat, at mapaabot sa bawat Pilipino ang access sa libreng serbisyong legal!”
Idinagdag pa niya “PS. Nagkakagulo mga CHELdren, ang sabi papunta na talaga tayo sa exciting part! Sama ako dyan ha!”
Tinutukoy ng human rights lawyer ang sikat na linya ni Jodi na “Papunta na nga tayo sa exciting part!” mula sa teleserye na “’The Broken Marriage Vow” kung saan ginagampanan niya ang papel ni Doc Jill.
Sa grand rally na ginanap sa Pasay, Inindorso rin ng aktor na si John Arcilla, ang best actor sa Venice Film Festival 2021 at bida sa pelikulang “Heneral Luna,”ang kandidatura ni Atty. Chel.
Ibinahagi ni Atty. Chel ang larawan sa kanyang Facebook page at sinamahan ito ng caption na “maraming salamat sa ating nag-iisang Heneral Luna, @johnarcilla , sa suporta at tiwala sa gobyernong tapat at makatarungan. Your speech last night was so moving. Maraming maraming salamat sa pagtindig!”
Maliban kina Jodi at John, inindorso rin si Atty. Chel ng aktres na si Nadine Lustre, aktor na sina Edu Manzano at Pepe Herrera at singer-composer Johnoy Dayao.
Kapag nanalong Senador, isusulong ni Atty. Chel ang paglalagay ng libreng tulong legal sa mga baryo, gaya ng Free Legal Helpdesk na kanyang nilagay sa kanyang Facebook page, upang mabigyan ng agarang tulong legal ang mga ordinaryong mamamayan.
Nais din niyang magtatag ng isang independent commission na mag-iimbestiga sa mga pang-aabuso na ginawa ng mga awtoridad, para maiwasan ang cover-ups at matiyak na maparurusahan ang mga alagad ng batas kapag lumabag sila sa batas.