in

Miss Universe Philippines 2022, unang mapapanood sa Digital Platforms ng ABS-CBN

Sino kaya ang susunod na pambato ng Pilipinas sa 2022 Miss Universe?

Sino kaya ang susunod na pambato ng Pilipinas sa 2022 Miss Universe?

Kilalanin ang Pilipina na papasahan ng korona ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa coronation night ng Miss Universe Philippines sa Abril 30, 7PM na mapapanood ng LIVE at FREE sa digital platforms ng ABS-CBN na iWantTFC at ABS-CBN entertainment YouTube Channel bilang official digital partner ng prestihyosong pageant.

Saksihan ang kaganapan sa MOA Arena kasama ang hosts na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe 2016 Iris Mittenaere, at Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow.Suportahan ang inyong napupusuang kandidata sa pagrampa nila ng kanilang swimsuit at gowns at pagsagot sa Q&A portion sa naturang gabi. Huwag din palampasin ang performances nina Bamboo, Francisco Martin, at Sam Concepcion.

Bago naman ang coronation night, panoorin din kung paano magpakitang gilas ang 32 na kandidata sa iba’t ibang preliminary activities sa Abril 27, 6PM sa The Cove Manila. Mapapanood ang highlights ng activities sa nasabing digital platforms ng ABS-CBN.

Panoorin ang laban ng 32 kandidata LIVE ngayong Abril 30, 7PM sa iWantTFC, ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, at TFC IPTV. Panoorin naman ang highlights ng preliminaries at coronation night sa Facebook page, TikTok, Twitter, and Instagram ng ABS-CBN Entertainment.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Noli Me Tangere,’ ‘Financial Education,’ at ‘Tuklasiyensya,’ nasa Knowledge Channel na rin

Mahigit 30 Kapamilya stars, nag-alay ng pasasalamat sa mga tumulong sa Odette Survivors