in

Regine Velasquez at Kim Chiu, may bigating birthday surprise ngayong Linggo sa ‘ASAP Natin ‘To’

Bonggang-bongga ang inyong Easter weekend dahil sa isa na namang world-class concert experience mula sa paborito ninyong Kapamilya stars ngayong Linggo (Abril 17) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Bonggang-bongga ang inyong Easter weekend dahil sa isa na namang world-class concert experience mula sa paborito ninyong Kapamilya stars ngayong Linggo (Abril 17) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Huwag na huwag palampasin ang bonggang birthday pasabog ni Asia’s Songbird Regine Velasquez kasama sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, KZ, Moira dela Torre, at ang inyong all-star “ASAP Natin ‘To” family. Hindi rin pahuhuli sa kanyang kaarawan ang ASAP’s queen of the dance floor na si Kim Chiu sa kanyang sizzling dance treat kasama ang G-Force.

Bago naman ang inaabangang Season 2 premiere ng “He’s Into Her,” maki-hataw muna kasama ang cast nitong sina Belle Mariano, Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, Criza Taa, Joao Constancia, Ashley del Mundo, Dalia Verde, Gello Marquez, Limer Veloso, Rajo Serrano, River Joseph, CJ Salonga, Zach Castañeda, JC Alcantara, at Shanaia Gomez, na may kasamang special intro mula kay Donny Pangilinan.

Abangan din ang Easter Sunday kantahan at sayawan mula kina AC Bonifacio, Janella Salvador, Enchong Dee, Krystal Brimner, iDolls’ Lucas Garcia, MNL48, at ang buong “ASAP Natin ‘To” family habang may new single launch din si Maris Racal kasama ang rising rapper na si Raven.

Tuloy-tuloy rin ang 30th anniversary celebration ng Star Magic sa inihandang bonggang band performance nina Jed Madela, Janine Berdin, Robi Domingo, Maris Racal, Isaiah dela Cruz, Nyoy Volante, at Kim Chiu sa “Star Magic Presents.”

Dagsa pa ang bigating kantahan sa ASAP stage, tampok ang New Gen Birit tapatan nina Janine Berdin, JM Yosures, Reiven Umali, FANA, at Elha Nympha; senti jamming mula kina Darren at This Band; at ang Toto hits medley biritan nina Ogie Alcasid, Jed Madela, Nyoy Volante, Kyla, Yeng Constantino, at Erik Santos.

At bilang pagtatapos ng 100-day fund-drive ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation na “Tulong-Tulong sa Pag-Ahon: Isang Daan sa Pagtutulungan,” magsasama-sama sa ASAP stage ang mga bigating OPM singer bilang pasasalamat sa mga Kapamilyang tumulong sa mga sinalanta ng bagyong Odette, tampok sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, KZ, Klarisse de Guzman, Moira dela Torre, Jason Dy, Nyoy Volante, Ice Seguerra, Jona, at Juris.

Kasama rin sina Kyle Echarri, Anji Salvacion, Maris Racal, Marlo Mortel, JM Yosures, Elha Nympha, Janine Berdin, Sheena Belarmino, Sam Mangubat, Reiven Umali, Lara Maigue, Jeremy G, Jordan Andrews, Shanaia Gomez, SAB, Lian Kyla, Luis Gragera, FANA, Angela Ken, at JM dela Cerna.

Maki-party na sa Easter holiday edition ng longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘FPJ’s Ang Probinsyano,’ winasak ang sariling live viewership record sa YouTube

Pagbangon ng Odette Survivors, inilahad sa ‘Mga Kwento Ng Operation Odette’