in

BINI, BGYO, ALAMAT, at MNL48, may engrandeng P-Pop pasabog sa ‘ASAP Natin ‘To’

Mas iinit ang inyong weekend sa isa na namang bigating summer concert experience mula sa paborito ninyong Kapamilya idols ngayong Linggo (Abril 10) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Mas iinit ang inyong weekend sa isa na namang bigating summer concert experience mula sa paborito ninyong Kapamilya idols ngayong Linggo (Abril 10) sa “ASAP Natin ‘To” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sa isang ASAP exclusive, times four ang Pinoy pride dahil magsasama-sama ang BINI, BGYO, ALAMAT, at MNL48 para sa isang engrandeng P-Pop treat sa kanilang fans kasama sina KZ at Ogie Alcasid.

May inihanda ring sorpresa sina Darren, Sheena Belarmino, Angela Ken, at Jeremy G habang iinit muli ang dancefloor sa matinding hatawan nina Kim Chiu, AC Bonifacio, Belle Mariano, Maris Racal, Vivoree Esclito, Joao Constancia, Kyle Echarri, at Enchong Dee.

Maki-throwback sa ’80s kantahan at sayawan nina Klarisse de Guzman, Janella Salvador, Krystal Brimner, G-Force, at ang inyong “ASAP Natin ‘To” family. Makiki-party rin ngayong Linggo ang Kapamilya host na si Robi Domingo.

Abangan din ang sessionistas treat nina Anji Salvacion, Shanaia Gomez, FANA, SAB, Lian Kyla, at Angela Ken kasama sina Juris at Nina.

Dodoble ang biritan sa bigating duet ng inyong New Gen Birit idols na sina Janine Berdin, Anthony Castillo, Lara Maigue, Reiven Umali, Sheena Belarmino, Sam Mangubat, Elha Nympha, at JM Yosures; habang hindi rin pahuhuli sa tandem kantahan sina Ice Seguerra at Asia’s Songbird Regine Velasquez.

At huwag palampasin ang pangmalakasang Barry Manilow hits tapatan nina Zsa Zsa Padilla, Jason Dy, Jona, Nina, Regine, at Martin Nievera sa “The Greatest Showdown.”

Ito ang summer concert experience na hindi mo dapat palampasin mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang “ASAP Natin ‘To,” ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Vilma Santos, bibigyang-pugay sa ikalawang edisyon ng Sagip Pelikula Spotlight Series

KZ Tandingan, wagi sa bagong international single na ‘Winning’