in

ABS-CBN stars at shows, patuloy na kinikilala ng award-giving bodies

Patuloy ang pagkilala ang mga artista at palabas ng ABS-CBN mula sa iba’t ibang award-giving bodies tulad ng Village Pipol Choice Awards at University of the Philippines Los Baños (UPLB) Gandingan Awards

Patuloy ang pagkilala ang mga artista at palabas ng ABS-CBN mula sa iba’t ibang award-giving bodies tulad ng Village Pipol Choice Awards at University of the Philippines Los Baños (UPLB) Gandingan Awards.

Big winners ang Kapamilya stars at shows sa Village Pipol (VP) Choice Awards na tinukoy sa pamamagitan ng Instagram likes, Facebook shares, at boto mula sa panel of experts at editorial team.

TV Series of the Year ang “He’s Into Her,” habang Love Team of the Year ang mga bida nitong sina Donny Pangilinan at Belle Mariano. Wagi rin ang team-up nilang DonBelle sa Fandom of the Year.

Ginawaran din si Belle ng dalawa pang awards, kabilang na ang Female Promising Star of the Year at Movie Actress of the Year. Si Donny naman ang pinarangalan bilang Male Promising Star of the Year kasama si KD Estrada.

Panalo rin sa TV category sina Coco Martin (TV Actor of the Year) at Charlie Dizon (TV Actress of the Year).

Hindi rin nagpahuli ang award-winning MMFF 2021 movie na “Kun Maupay Man It Panahon” na nakasungkit ng Movie of the Year, habang Movie Actor of the Year naman ang isa sa mga bida nitong si Daniel Padilla.

Napunta naman ang Movie Director of the Year kay John Leo Datuin Garcia para sa kanyang obra na “Love is Color Blind.” Ang isa naman sa cast ng pelikula na si Tiktok star Esnyr Ranollo ang nagwagi bilang Social Media Star of the Year.

Kabilang sa mga Kapamilya star na nagtagumpay sa VP Choice Awards sina Sarah Geronimo (Performer of the Year), Tony Labrusca at JC Alcantara (BL Love Team of the Year), at si Vice Ganda (YouTuber of the Year).

Tinanghal din ang “Team YeY,” isang pambatang palabas na nagpapakita ng mga batang gumagawa ng iba’t ibang skills tulad ng storytelling, arts and crafts, at iba pa, bilang Most Development-Oriented Children’s Program ng UPLB Gandingan Awards. Kasalukuyang napapanood ang “Team Yey” sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at A2Z. Available din ang mga featured episodes sa YouTube Channel at Facebook page ng YeY.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Mahigit 1,600 estudyante, natuto sa Pinoy Media Congress Digital Caravan ng ABS-CBN at PACE

Vilma Santos, bibigyang-pugay sa ikalawang edisyon ng Sagip Pelikula Spotlight Series