in

Jake Cuenca, kinampihan si Charlie Dizon sa ‘Viral Scandal’

Rapist ang kanyang pamangkin na si Jigs (Markus Patterson). Ito ang paninindigan ni Mayor Troy (Jake Cuenca) at inanunsyo niya ito sa buong Sidero na hindi nagsinungaling ang anak niyang si Rica (Charlie Dizon) sa “Viral Scandal.”

Natauhan si Troy matapos matalo ang anak sa kaso. Hindi na siya aniya magpa-manipula sa ama at mas uunahin niya ang kapakanan ng kanyang mga anak na sina Rica at Raven (Kaila Estrada) kaysa sa posisyon at ambisyon.

Nang marinig ni Kakay ang pahayag ni Troy, nasiyahan siyang makita na ipinagtanggol nito ang anak. Hanggang ngayon kasi ay patuloy niyang kinukumbinsi si Ella (Aya Fernandez) na tulungan si Rica sa kaso. Napagtanto niya na biktima rin ni Jigs si Ella.

Ano-ano pa kaya ang susunod na plano ni Troy ngayong pinagbantaan siya ng ama na babalikan dahil sa kanyang desisyon? Makumbinsi kaya ni Kakay si Ella at tulungan si Rica sa kaso nito?

Ang “Viral Scandal” ay nasa ilalim ng direksyon nina Dado C. Lumibao at Froy Allan Leonardo at produksyon ng RCD Narratives.

Subaybayan ang mga kapanapanabik na eksena sa “ViralScandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

KD Estrada, unang makakasama ni Bianca Gonzales sa bagong season ng ‘Cinemanews’

Ernie Lopez at Sagip Kapamilya, naghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng Odette sa Cebu at Bohol