in

SVIP tickets sa Docufilm ng BGYO at BINI, sold-out sa isang araw

Sold out agad ang SVIP tickets para sa docufilm ng BINI at BGYO na “Dubai Adventures” na magpre-premiere sa Abril 1 (Biyernes) matapos ang isang araw na irelease ang tickets nito sa KTX.PH.

Mapalad ang mga nakabili sa tickets na ito dahil makikita nila ang parehas na grupo ng harap-harapan matapos ang dalawang taon. Bukod dito, may inihanda rin sorpresa ang BGYO at BINI para sa kanila.

Available pa rin ang VIP tickets sa halagang P1,000 kung saan may access sila sa red carpet at replays sa Abril 2 (Sabado) hanggang 3 (Linggo) at general admission tickets sa halagang P399.

Sa docufilm, mapapanood ng fans ang ginawang adventure ng sibling groups sa unang pagbisita nila sa Dubai. Ililibot nila ang fans sa foodtrips at explorations na nagawa nila lalo na sa kanilang experience na magperform sa 1MX Dubai noong Disyembre.

Kamakailan naman, muling gumawa ng kasaysayan ang BINI at BGYO sa pagiging unang mga Pinoy na naging cover ng unang NFT magazine ng Xpedition sa Metaverse.

Ang Metaverse ay isang simulated digital environment na gumagamit ng augmented reality or 3D avatars o models para magkaroon ng social connection at interaction.

Sa mga gusto naman bumili pa ng tickets para sa “BINI & BGYO Dubai Adventures”at sa mga naghahanap ng karagdagang impormasyon, bisitahin angwww.ktx.ph. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Knowledge Channel, nagturo ng pag-aalaga sa kalikasan sa mahigit 6,000 na mag-aaral

KD Estrada, unang makakasama ni Bianca Gonzales sa bagong season ng ‘Cinemanews’