in

Labing-isang bituin ng ABS-CBN, pumirma upang manatiling ‘Kapamilya Strong’ at Star Magic, magdiriwang ng ika-30 anibersaryo

Mananatiling tahanan ang ABS-CBN para sa OPM music icons na sina Regine Velasquez-Alcasid at Gary Valenciano, habang Star Magic artists pa rin sina Zanjoe Marudo, Erich Gonzales, Jake Cuenca, Jolina Magdangal, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Sam Milby, Shaina Magdayao, at Gerald Anderson.

Pumirma ang labing-isang bituin ng mga bagong kontrata nitong Miyerkules (Pebrero 23) sa network contract signing sa “Kapamilya Strong 2022” event na ginanap sa Studio 10 ng ABS-CBN, kung saan inilunsad din ang pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng Star Magic.

“I’m very happy and very excited and very proud. That’s how I feel. I mean after the things that the network has been through, all of us, after all we’ve been through, parang I just feel (happy) to be called a Kapamilya,”ani ng Asia’s Songbird, na kasalukuyang guest host sa “Magandang Buhay” bukod sa pagiging mainstay ng “ASAP Natin ‘To” katulad ni Gary.

Sabi naman ni Mr. Pure Energy, “’Pag sinabing Kapamilya, we are there for each other…Kahit na may mga ibang pagsubok na dumadapo sa isang pamilya, the fact is you are still a family. It’s a dynamic ng isang pamilya. Minsan may good times, minsan may hard times but in the end nakikita mo ‘yung value ng isa’t isa, value sa isa’t isa and you treasure that and then you carry it on.”

Nagpasalamat din ang kanilang mga kapwa Kapamilya matapos piliing manatili sa Star Magic, ang pinakamalaki at makinang na talent agency sa bansa na layuning ibida ang talento ng Pinoy sa mundo.

Matapos ang tagumpay ng “La Vida Lena,” sasabak sa pinakamalaking proyekto sa kanyang karera si Erich na malapit nang i-anunsyo. Sunod namang gagawin ni Gerald ang “A Family Affair” TV series at pelikulang “To Russia with Love” habang pasok sa international series na “Cattleya Killer” si Jake na napapanood ngayon sa “Viral Scandal.”

Bibida naman ang tambalang LoiNie nina Loisa at Ronnie sa teleseryeng “Love in 40 Days,” samantalang patuloy na magbibigay saya at aliw sina Jolina at Shaina sa kani-kanilang programang “Magandang Buhay” at “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Kasama rin si Sam sa “A Family Affair” habang maghahatid pa rin ng gigil si Zanjoe sa “The Broken Marriage Vow.”

Nakasama nila sa pirmahan, na hinost ni Robi Domingo at napanood online sa iba-ibang digital platforms ng Star Magic at ABS-CBN, sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN chief operating officer of broadcast Cory Vidanes, ABS-CBN Group CFO Rick Tan, at Star Magic at ABS-CBN entertainment production head Laurenti Dyogi.

Nagpasalamat din si Cory sa lahat ng Star Magic artists, maging ang founders, mentors, partners, advertisers, co-managers, at fans na patuloy na sumusuporta sa Star Magic artists.

“Thank you for trusting ABS-CBN and Star Magic. Thank you for standing with us to continue serving the Filipino. Thank you, thank you for the love that you have nurtured with all our kapamilyas and with all the audience through the years. Maraming, maraming salamat po,” aniya.

Ibinahagi rin ni Direk Lauren ang kanilang mga plano upang ipagdiwang ang tatlong dekada ng Star Magic sa mediacon kasama naman ang Star Magic artists at ang hosts na sina Edward Barber at MYX VJ Ai Dela Cruz.

“We’d like to thank the men and women who really started Star Magic, to FMG, to Mr. M., to Ms. Mariole. Maraming salamat for laying the foundation and for building Star Magic. This time we are venturing into a new era of Star Magic in the 30 more years to come. Marami po kaming hinanda to celebrate the 30th anniversary of Star Magic,” aniya.

Ngayong taon, dadalhin ng Star Magic ang ilang mga artista na ito sa mga kababayan natin abroad kasama ang TFC. Magbabalik rin ang star-studded sports events, at angpinakainaabangan na Star Magic Ball katulong naman ang Creative Programs, Inc. (CPI) ng ABS-CBN.

Abangan din ang mga pelikulang gagawin ng Star Magic Studio kasama ang Star Cinema, Mavx Productions, at Regal Entertainment, at mga bagong musika mula sa Star Magic Records. Kaabang-abang din ang mga proyektong gagawin ng Star Magic artists para sa Metro at Mega at mga orihinal na palabas nito sa YouTube, Kumu, at iba pang platforms.

Samantala, ipinarinig na rin ng Star Magic artists Kyle Echarri, CJ Navato, Jelay Pilones, Lara Maigue, at Jed Madela ang bagong theme song na “Tatak Star Magic,” na likha ng isa pang Star Magic artist na si Nyoy Volante.

Sa loob ng tatlong dekada, nagsilbing tahanan ang Star Magic kung saan nahubog ang marami sa malalaki at nagniningning na pangalan sa Philippine entertainment. Sari-saring workshop ang isinasagawa nito upang mahasa ang iba-ibang talento ng mga artista na kanilang ginagabayan rin upang maging responsable, disiplinado, at may malasakit sa kapwa at mga adbokasiya tulad ng mga proyekto ng ABS-CBN Foundation.

Mapapanood muli sa TFC ang mga kaganapan sa “Kapamilya Strong 2022” event. Sundan ang @StarMagicPhils sa Facebook, Twitter, at Instagram at mag-subscribe sa Star Magic official YouTube channel para sa latest updates sa 30th anniversary celebration ng Star Magic.

Para sa iba pang balita sa ABS-CBN, i-follow ang @ABSCBNPR o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Balikan ang exchange hits tapatan ng bigating OPM idols sa ‘ASAP Natin ‘To’

Jodi Sta. Maria binawi ang planong annulment, Sue Ramirez sinusuyo pa rin ni Zanjoe Marudo sa ‘The Broken Marriage Vow’