in

Sino kaya? Kapamilya star, bibida sa bagong int’l project kasama ang ABS-CBN

Muling sasabak sa isang international project ang ABS-CBN kung saan bibida pa ang isang Kapamilya artist sa pagpapatuloy ng pagkampeon nito sa talento ng Pilipino sa mundo.

Inanunsyo ng international media na Variety noong isang Linggo na kasama na ang ABS-CBN sa produksyon ng “Sellblock,” na isa sa mga nilulutong palabas ng nagsanib-pwersang mga grupo na BlackOps Studios Asia mula Pilipinas, Story Arch Pictures ng Estados Unidos, at Agog Film ng Hong Kong.

Sa loob ng kulungan iikot ang kwento ng action-drama na kasalukuyang nasa pre-production stage na. Katuwang ng ABS-CBN dito ang BlackIps at Psyops8 na parehong pinamumunuan ng Pinoy producer-director na si Pedring Lopez. Makakatulong din nila ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa proyekto.

Ayon kay ABS-CBN International Production at Co-Production head Ruel Bayani, pinili ng ABS-CBN makipagtulungan sa BlackOps dahil prayoridad ng kumpanya ang paggawa ng dekalidad na palabas para sa buong mundo. Sabi niya, kumpleto ang “Sellbock” sa magandang konsepto, magaling na cast, at mataas na antas ng drama.

Dagdag pa ni Pedring, ang isang lokal na produksyon na may tamang sangkap at production values ay kayang pukawin ang mga manonood sa buong mundo gaya ng ipinakita ng hit Korean series na “Squid Game.”

Isa ang “Sellblock” sa 16 na palabas sa Asian Genre na gagawin ng BlackOps Studios Asia, Story Arch Pictures, at Agog Film matapos silang magkasundo sa European Film Market sa Berlin Film Festival.

Patuloy ang pakikipagsanib-pwersa ng ABS-CBN para sa mga international project upang mas makilala pa ang mga kwentong Pilipino at talento sa buong mundo. Kamakailan lang, inanunsyo ang pagiging bahagi nito sa proyektong “Concepcion,” isang crime drama tungkol sa paghahari ng isang pamilyang Pilipino sa isang lugar sa Amerika.

Nitong Pebrero, ipinakilala rin ang cast ng “Cattleya Killer” na ipapalabas din sa buong mundo. Nasa likod rin ito ng “Almost Paradise,” ang unang American TV series na kinunan sa Pilipinas na pinroduce nito kasama ang Electric Entertainment mula sa Hollywood. Para sa ibang updates, i-follow ang @abscbninternationalprod sa Facebook at Instagram.

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Bagong ‘He’s Into Her Extras,’ classic romance movies magpapakilig sa YouTube

Viewers nakihugot sa ‘The Goodbye Girl’ ng iWantTFC