in

Bagong ‘He’s Into Her Extras,’ classic romance movies magpapakilig sa YouTube

Walang humpay na kilig ang handog ng ABS-CBN sa YouTube channels nito na magpapalabas ng bagong DonBelle videos at libreng romance movies ngayong buwan ng pag-ibig.

Habang hinihintay ang pagdating ng ikalawang season ng phenomenal digital series na “He’s Into Her,” pwedeng tumambay sa panonood ng bagong episodes ng “HIH Extras” kada Lunes, 7 PM sa Star Cinema YouTube channel simula Pebrero 14. Dito, muling mapapanood sina Donny Pangilinan, Belle Mariano, at ang iba pang stars ng serye na maglaglaglagan ng mga sikreto, maglalaro ng sari-saring party games, at makikipagkulitan sa isa’t isa.

Si Jackie “Ate Girl” Gonzaga naman ang mangunguna sa backstage katuwaan at tawanan ng “Showtime All Access” kada Miyerkules. Samahan siya sa paglilibot-libot sa dressing rooms ng main hosts, guests, contestants, at staff ng “It’s Showtime” para magbigay ng challenges, makipagtawanan, at makipagkwentuhan.

May libre ring movie date sa YouTube hatid ng ABS-CBN Superview, tampok ang iba’t ibang minahal na mga pelikula at serye.

Hindi mauubusan ng ima-marathon dahil available ang “Love Me Tomorrow” nina Angel Locsin at Piolo Pascual, “A Moment in Time” nina Coco Martin at Julia Montes, “Won’t Last A Day Without You” nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson, “Maybe This Time” nina Sarah at Coco, “Labs Kita… Okey Ka Lang?” nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal, at “Forevermore” nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

Mababalik-balikan din ang unang teleserye nina Gerald at Kim na “Sana Maulit Muli,” ang pagtupad ng mga pangarap ni Sarah G sa “Pangarap na Bituin,” at ang kwentong barkada ng “K2BU.” Kung naghahanap ng inspirasyon o aliw, maaaari ring mapanood ang libreng episodes ng “MMK,” “Ipaglaban Mo,” at “Wansapanataym.”

Ang mga ito ay bahagi ng lumalaking “Kapamilya YOUniverse,” ang pagsasama-sama ng iba’t ibang YouTube channels ng ABS-CBN para maghatid ng entertainment, musika, pelikula, at balita. Mae-enjoy naman ang mga ito kapag nag-subscribe sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment, ABS-CBN It’s Showtime, at Star Cinema.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Di natitinag! ‘KMJS,’ number 1 pa rin!

Sino kaya? Kapamilya star, bibida sa bagong int’l project kasama ang ABS-CBN