in

Pagiging lasengga ni Kaila Estrada, lumala na

Mukhang nasa matinding peligro ang buhay ng magkapatid na Raven (Kaila Estrada) at Rica (Charlie Dizon) dahil makikita sa trailer nitong Biyernes (Enero 28) na mababangga sila ng sasakyan matapos magmaneho ni Raven nang naka-inom.

Kinompronta ni Raven si Rica sa Balai Arkitektura matapos niyang malaman na maghihiwalay na ang kanyang mga magulang at nireject siya ni Kyle (Joshua Garcia). Para sa kanya, kasalanan ni Rica ang lahat. Sinabi nga niya kay Rica na lumayo na ito sa buhay niya. Sa sobrang lungkot at kalasingan, naikwento pa niya kung paano siya maliitin ng ina at tingin niya ay hindi siya mahal ng ama. Sa kanyang pagpapatuloy, bigla siyang hinimatay.

Pinili ni Rica na alagaan si Raven sa kabilang ng kanilang hidwaan. Habang naghihintay, bigla na lang inabot sa kanya ng janitor ang telepono ni Raven at sinabing tumatawag si Troy (Jake Cuenca).

Sa kabilang banda, matapos nilang mag-away ni Troy, dumiretso si Audrey (Maxene Magalona) kay Bobby (Gian Magdangal) at sinabi nga niya na hihiwalayan na siya ni Troy. Ngunit mukhang nadala sila ng kani-kanilang emosyon at piniling magtalik.

Paano kaya ipapaliwanag ni Rica kung bakit sila magkasama ni Raven? Paano naman umabot sa puntong nagmamaneho si Raven nang naka-inom at kasama si Rica? Samantala, ano kaya ang gagawin ni Audrey na pagtatakip sa kanyang kasalanan?

Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Erich Gonzales, mapapadapa na ba si Raymond Bagatsing sa huling Linggo ng ‘La Vida Lena’?

Angelica Panganiban, Loisa Andalio, Barbie Imperial, Maris Racal, at Elisse Joson sawi sa pag-ibig sa ‘The Goodbye Girl’