in

Erich Gonzales maniningil na ng karma kina JC de Vera, Kit Thompson, at Agot Isidro sa ‘La Vida Lena’

Maniningil na ng hustisya si Lena (Erich Gonzales) sa mga kaaway niya habang hinaharap ang kapahamakang dala nina Adrian (JC De Vera), Vanessa (Agot Isidro), at Miguel (Kit Thompson) sa huling tatlong linggo ng “La Vida Lena” sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sakit ng ulo ang dulot kay Lena ng milyon-milyong pisong utang ng kumpanyang Royal Wellness matapos itong ipamana sa kanya ng namayapa niyang amang si Lukas (Raymond Bagatsing).

Hindi naman papalampasin ni Adrian (JC) ang pagkakataong mag-alok ng tulong at pera kay Lena, habang ipagtatapat na kailanman ay hindi nawala ang pagmamahal niya sa dalaga at na hindi niya makalimutan ang pinagsamahan nila noon. Bukod pa riyan, aalukin din ni Adrian si Lena na magtanan at kalimutan na ang problema ng kanilang pamilya.

Dahil tatanggihan siya ni Lena, lalong mababaliw si Adrian sa pag-ibig at mangangakong hindi siya papayag na mapunta sa iba si Lena kahit na ang kapalit nito ay buhay.

Maging ang nanay ni Adrian na si Vanessa (Agot) ay masisirain na rin ng bait at susugurin si Lena para tapunan ito ng asido sa mukha.

Samantala, desperado rin si Miguel (Kit) na mapasakanya si Lena at ang kayamanan nito kaya gagawin niya ang lahat para matuloy ang kasal nilang dalawa.

Sa kabila ng lahat ng ito, pinoproblema rin ni Lena kung paano niya matutulungang makalaya ang kaibigang si Ramona (Janice De Belen) pagkatapos itong maakusahan sa pagpapapatay kay Lukas.

Madiskubre kaya ni Lena ang pinaplano ng mga kaaway niya bago pa mahuli ang lahat? Makuha kaya ni Lena ang inaasam niyang hustisya laban sa mga Narciso?

Subaybayan ang huling tatlong linggo ng “La Vida Lena” mula Lunes hanggang Biyernes, 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “La Vida Lena.”

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘May kilala ba kayong Marcos na umatras?’ Bongbong Marcos, muling nilunok ang mga sinabi

Belle Mariano, magdadala ng ‘Daylight’ sa unang virtual concert