in

Belle Mariano, magdadala ng ‘Daylight’ sa unang virtual concert

Mas paliliwanagin pa ni Belle Mariano ang 2022 sa kauna-unahan niyang digital concert na “Daylight,” tampok ang kaabang-abang na performances ngayong Enero 29 (Sabado) sa KTX.ph at TFC IPTV.

Tiyak na magniningning si Belle sa “Daylight: The Concert” hatid ng ABS-CBN Events at Star Pop kung saan maipapakita niya ang galing sa pagpe-perform matapos i-release ng matagumpay niyang debut album noong isang taon.

Ani Belle, hindi pa rin siya makapaniwala na matutupad na ang pangarap niyang magkaroon ng sariling concert. “Everyday I’m just grateful. Despite the anxiety because I’ll be performing, it’s more of excitement kasi magagawa ko na ‘yung pinapangarap ko.”

Isang ‘light’ at ‘intimate’ na palabas ang inihanda nina Belle, direktor nitong si Alco Guerrero, at musical director na si Iean Iñigo para sa mga manonood sa iba’t ibang parte ng mundo.

“I want everyone to connect so kahit virtually lang, gusto ko na ma-feel nila ‘yung ambiance, na despite all these rains happening in our lives, we still have to see daylight,” sabi ng Star Magic artist at RISE Artists Studio talent.

Nagpatikim din siya sa mga bagong areglo ng mga kanta na aawitin niya sa concert. “Meron akong different takes, hindi siya ‘yung usual na naririnig natin. Babaliin namin so I’m really excited and sana magustuhan ng mga manonood.”

Bukod sa solo performances, dapat ding abangan ang mga kolaborasyon ni Belle kasama ang mga guest niya, kabilang na ang mga kapwa ABS-CBN artists niyang sina Trisha Denise, SAB, at Jayda, na nagsulat lahat ng mga awitin para sa album niya.

Makakasama rin ni Belle sa stage sina Kyle Echarri at OPM band na Ben&Ben, pati na rin siyempre ang on-screen partner niyang si Donny Pangilinan na makakasama uli niya sa ikalawang season ng “He’s Into Her.”

Mabibili pa rin ang regular tickets para sa “Daylight: The Concert” sa halagang P195 na nagbibigay access sa main concert link, pero sold out na noong Disyembre ang SVIP at VIP tickets na nagkakahalaga ng P795 at P495.

Samahan si Belle sa Belle in “Daylight: The Concert,” 8 PM sa Enero 29 (Sabado) na mapapanood sa KTX.ph and TFC IPTV, at may replay kinabukasan (Enero 30), 11 AM. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Erich Gonzales maniningil na ng karma kina JC de Vera, Kit Thompson, at Agot Isidro sa ‘La Vida Lena’

ABS-CBN News, katuwang ang mahigit 50 organisasyon para sa malawak na pagbabalita ng Halalan 2022