“May kilala ba kayong Marcos na umatras? Wala sa ugali namin,” ‘yan ang mayabang na sinabi ni presidential aspirant Bongbong Marcos noong November last year nang magpunta sa Batangas para mangampanya.
Una nang sinampal siya nang magbalik-tanaw ang mga tao noong 1998 elections kung saan tumakbo ang kanyang ina na si Imelda Marcos sa pagkapangulo tapos inindorso si Joseph Estrada.
Ngayon nama’y siya mismo ang umatras sa The Jessica Soho Presidential Interviews’ na inorganize ng GMA Network kung saan makakasama niya ang mga kalaban niya sa pagkapresidente na sina Sen. Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Manny Pacquiao, at Vice President Leni Robredo.
Sabi nga ng GMA Network sa kanilang pahayag, “The questions are tough because the job of the presidency is tough.” Ginawa ang presidential debates na ito para mas makilala ang mga presidentiables, bukod pa roon ay ang kanilang mga adhikain, dahilan at mga plano para sa bansa.
Asar-talo naman si Bongbong Marcos sa Twitter.
Kahit ilan sa mga supporters niya ay napapagod na rin.