in

Lara Quigaman, nalulong sa sugal sa ‘MMK’

Gaganap si Lara Quigaman bilang isang nanay na nalulong sa sugal matapos pagtaksilan ng asawa sa “MMK” ngayong Sabado (Enero 22).

Sa murang edad, nakita ni Baby (Lara) kung gaano naka-apekto ang pagsusugal ng kanyang tatay sa kanyang pamilya. Kaya naman ipinangako niyang hindi siya magpapakasal sa isang sugarol tulad ng kanyang ama. Natupad naman ang kanyang hiling nang mapangasawa niya si Dennis at nabiyayaan sila ng tatlong anak.

Naging masaya naman ang kanilang pagsasama at minsan lang mag-away sa tuwing naglalaro si Dennis ng Mahjong. Ngunit nagbago ito lahat nang lokohin siya nito para sa isang batang babae. Dahil dito, natutunan niyang mag-Mahjong para makalimot at gumanti sa asawa. Dumating pa sa puntong na-adik na siya at napabayaan ang kanyang mga anak. Mula, sa simpleng Mahjong, nalulong na rin siya sa pagka-casino kung saan minsan ay kailangan pa siya kaladkarin ng guards para umuwi. Nagamit pa niya ang pera nilang pamilya pati ang mga padala ng anak para ipanlaro sa sugal.

Ano-ano pa kayang problema ang kinaharap ni Baby dahil sa pagka-lulong sa sugal? Nakuha pa kaya niyang magbago?

Panoorin ang “MMK” sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Belle Mariano, Morissete Amon, Angeline Quinto sisimulan ang mga pasabog na concerts ng KTX.PH ngayong Enero

Joshua Garcia, nakitang nagpakamatay ang ama sa ‘Viral Scandal’