Trending agad ang #MarcosDuwag matapos dedmahin ni presidential aspirant Bongbong Marcos ang nakatakdang Presidential Debates kahapon with GMA News pillar Jessica Soho na ipalalabas naman ngayong gabi sa GMA Network.
Magandang opportunity sana ‘yun sa kanya para mas makahikayat pa siya ng mas maraming boto sakaling maipakita niya ang maganda niyang intensyon sa pagtakbo at malaman ng tao ang kanyang mga plano sakaling palarin siyang maging isang presidente. Ang GMA Network lang naman ang may pinakamalaking sakop in terms of free TV reach at lahat ng mga Pilipino, anumang antas ng buhay ay nakatutok sa TV, saan man sila sa bansa.
Ang malala pa roon, tinawag niyang ‘biased’ ang Kapuso journalist na magsisilbi sanang tagatanong ng mga dapat malaman ng mga Pilipino tungkol sa kanilang ibobotong kandidato. Hindi naman kwestiyonable ang pangalang Jessica Soho pagdating diyan – kinikilala siya by both local and foreign organizations as one of the most trusted media personality in the Philippines.
Bwelta ng GMA Network sa kanilang pahayag, “In this must-see special, Ms. Soho boldly asks the presidential aspirants the questions that need to be asked – their intentions behind running for the position, the controversies thrown at them, their stand on pressing issues and their concrete plans should they be elected. The questions are tough because the job of the presidency is tough.”
So sino bang nawalan ngayon? Hindi ang GMA News.