in

Mga pinakamalaking balita ng taon, babalikan ng ABS-CBN sa ‘Sa Likod Ng Balita’ Yearender

Handa na ang mga mamamahayag ng ABS-CBN na ibahagi ang kwento sa likod ng pinakamalalaking isyu at pangyayari ngayong taon sa “Sa Likod ng Balita 2021: The ABS-CBN Yearend Special.”

Mapapanood ang espesyal na dokumentaryong ito mula sa ABS-CBN News tungkol sa mga kwentong yumanig sa buong bansa sa darating na Linggo (Disyembre 26) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

Kasama rito ang mga reporter tulad ni Raphael Bosano, na babalikan ang mga naging usap-usapan kaugnay sa vaccination ngayong pandemya, habang sina Pia Gutierrez, Zandro Ochona, Doris Bigornia, Vivienne Gulla, at Zen Hernandez naman ang magbabalik tanaw sa mga paglobo ng kaso ng COVID-19.

Bilang pambalanse, hatid naman ni Anjo Bagaoisan, ang mga kwentong may hatid na pag-asa tulad ng istorya ng community pantries na siya ang unang nagbalita.

Niyanig din ang taong 2021 ng sari-saring ingay sa pulitika sa pagsisimula ng election season. Nagimbal din ang bayan sa mga trahedya sa barilan ng PNP-PDEA, pagbagsak ng isang C130, mga bagyo, at lindol. Bibisitahin muli ang mga ito ng reporters ng ABS-CBN kabilang sina Adrian Ayalin, RG Cruz, Ina Reformina, Sherrie Ann Torres, at Joyce Balancio.

Si ABS-CBN North America bureau chief TJ Manotoc naman, ipaiintindi ang epekto at kahalagahan sa mga Pilipino ng mga nangyari sa labas ng bansa tulad ng US Capitol riots, coup sa Myanmar, at pagpapa-uwi ng Amerika sa tropa ng mga sundalong Amerikano sa Afghanistan.

Sa “Sa Likod ng Balita,” magbibigay pugay rin ang ABS-CBN reporters kay dating pangulong Noynoy Aquino, habang ipinapakita ang naging pamamaalam sa kanya ng sambayanang Pilipino noong namayapa siya.

Magtatapos naman ang mistulang rollercoaster ride sa pagbabalik tanaw ni Dyan Castillejo sa mga tagumpay ng Pilipino kabilang na ang panalo ni Hidilyn Diaz sa Olympics, ni John Arcilla sa Volpi Cup, at ni Maria Ressa, na tumanggap ng Nobel Peace Prize sa Oslo, Norway.

Huwag palampasin ang “Sa Likod ng Balita 2021: The ABS-CBN Yearend Special” sa Sunday’s Best sa darating na Disyembre 26 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

Para sa balita, i-follow ang @ABSCBNNews sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, o bumisita sa news.abs-cbn.com, at mag-download ng ABS-CBN News App at ABS-CBN Radio Service App.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

SethDrea may pangako sa isa’t isa sa ‘Saying Goodbye’ ng iQiyi

SB19, inawit ang theme song ng ‘Love at First Stream’