in

Rina Lopez-bautista ng KCFI, isa sa ‘Heroes of Philanthropy’ ng Forbes Asia

Kinilala kamakailan ng Forbes Asia magazine ang Presidente at Executive Director ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) na si Rina Lopez-Bautista bilang isa sa “Asia’s 2021 Heroes of Philanthropy” para sa kanyang natatanging kontribusyon upang maging mas accessible ang may kalidad na edukasyon sa bansa.

Sa simula pa lamang ng pandemya, inilunsad na ni Rina ang proyekto ng Knowledge Channel na “School at Home.” Naiprograma at ginamit ang libo libong educational videos ng Knowledge Channel para sa distance learning ng maraming mag-aaral sa pre-kinder, kinder, at grades 1-10.

Pinarangalan ng Forbes Asia si Rina para sa kanyang pagtatag at pamumuno sa KCFI, isang nonprofit organization na gumagawa at nagbabahagi ng educational content para sa mga guro at mag-aaral mula pa 1999.

“When we established KCFI in 1999, nakita ko ang pinagdaraanang hirap ng iba nating mga kababayan. Gusto ko na mapabuti ang pag-aaral ng mga kabataan para mabigyan sila ng mga oportunidad na magkaroon ng mas magandang buhay,” kwento ng presidente at executive director ng KCFI

“Kahit na very challenging ang pag-aaral ng mga estudyante dahil sa pandemya, we made sure na matutulungan natin silang magpatuloy makapag-aral kahit nasa bahay sila sa tulong ng mga curriculum-based video lessons ng Knowledge Channel. Gusto din nating makatulong sa mga guro at magulang para mas magabayan nila ang mga bata.” saad niya.

Sa pangunguna rin ni Rina, mas lalong pang lumawak ang naabot ng KCFI sa online sa mga isinasagawa nitong webinar, training, at pagpapalabas ng mga programa na napapanood ng mga guro, mag-aaral, at magulang sa Facebook at YouTube. Mayroon na rin itong halos 160,000 followers sa Facebook (facebook.com/knowledgechannel), habang nakatanggap na ng Silver Play Button award ang YouTube channel nito (youtube.com/knowledgechannelorg).

Una na ring kinilala ang kampanya nitong “School at Home” bilang Outstanding CSR Project in Education sa nakaraang 2021 League of Corporate Foundations CSR Guild Awards.

Bisitahin din ang www.knowledgechannel.org para sa karagdagang educational materials at mga updates patungkol sa Knowledge Channel.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

ABS-CBN, pitong parangal ang nakamit sa Adobo Video Fest 2021

Tirso Cruz at anak na si Djanin, panalo ng P150,000 sa ‘Madlang Pi-poll’