in

Charlie Dizon, pinahahanap ni Joshua Garcia sa ‘Viral Scandal’

Bumalik muli kay Rica (Charlie Dizon) ang alaala nang gabing nagahasa siya ni Jigs (Markus Paterson) matapos siya muling ma-harass nang boss sa kanyang pinag-aaplayan na trabaho nitong Lunes (Dis.13) sa “Viral Scandal.”

Abot langit nga ang takot ni Rica matapos siyang hawakan sa braso ng lalaking nag-iinterview sa kanya. Buti na lang at pumasok ang sekretarya ng lalaki at napansin ang pangha-harass na ginagawa nito kay Rica.

Kahit ganoon ang nangyari, sinubukan pa rin ni Rica na tumuloy sa kanyang pangalawang interview. Pero nang malamang lalaki muli ang kakausapin niya ay tumakbo siya palabas ng office nito. Sa kanyang paglabas, nadulas siya at may naiwang isa sa kanyang dinesenyong building.

Makikita naman ito ni Kyle (Joshua Garcia) na siyang mag-iinterview kay Rica kung sakaling tumuloy ito. Agad nga niyang ibinigay ang papel sa sekretarya at ipinahanap ang may-ari nito.

Samantala, patuloy ang panggugulo ni Archie (Vance Larena) kay Jigs. Ngayon, gusto ni Archie na umamin na si Jigs na rinape niya si Rica at maglabas ng public apology. Binigyan niya ito ng dalawang araw para magawa ito o nagbantang ilalabas na ang ibang babaeng nabiktima nito.

Gawin kaya ni Jigs ang ipinagagawa ni Archie? Malapit na kayang magkita sina Kyle at Rica?

Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Written by Mari Thess

Leave a Reply

Your email address will not be published.

‘Ikaw at Ako (Hanggang Dulo),’ pangako ng Tiktok star na si Zion Aguirre