Kamakailan ay nagdiwang ng ika-25 anibersaryo ang longest-running gag show ng GMA na Bubble Gang. Masayang ibinahagi ni Mikoy Morales ang kaniyang karanasan at natutunan mula sa show at sa beteranong komedyante na si Michael V.
Aniya, “On a personal level, iba ang epekto sa akin ni Kuya Bitoy dahil naramdaman ko talaga yung tiwala niya… Lagi niyang sinasabi, kung may naiisip ka gawin mo. Kung hindi mo maipagawa sa iba, equip yourself with the skills needed para magawa mo ‘yun. Gawan mo ng paraan. Laging ganoon.”
Ini-reveal naman ni Mikoy na na-intimidate siya sa unang salang niya sa set ng Bubble Gang.
“Nakaka-intimidate sumalang sa set ng Bubble Gang dahil ang tagal na nung mga taong nandoon. At the same time, magagaling talaga sila. May mga times na bilang taped siya, pag-punchline mo wala namang live audience na magre-react, so tahimik. ‘Yun ‘yung nakakapanibago noong una. ‘Di mo alam kung nakakatawa ba yung ginawa mo o hindi.”
Gayunpaman, hindi siya pinabayaan ng kaniyang cast members, “Itong mga taong ‘to, they were also the ones who showed me how to get over [my apprehensions]. Kung wala ka sa set ng Bubble Gang at talagang manood ka lang sa kanila sa kung paano sila behind the scenes, how they work, you will see that it’s more than just pagpapatawa.”